Liza at Jodi pangalawa at pangatlo lang kay Erich!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 1, 2018 - 12:00am

KathNiel, KimXi, at LizQuen nagpatalbugan

Isa sa pinaka-pinag-usapan sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball held last Saturday sa Shangri-La Makati ay ang pagdalo ni Popstar Ro­yalty Sarah Geronimo kasama ang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

First time na dumalo ni Sarah sa Kapamilya Ball at ito rin ang unang pagkakataon na nakita silang magkasama ni Matteo sa isang ganito kalaking showbiz event.

Sa interbyu sa AshMatt (tawag sa tambalang Sarah-Matteo), aminado si Sarah na ninenerbyos siya that night.

“First time,” sambit ni Sarah, “siyempre, gusto ko siyang (Matteo) samahan, so nandito ako ngayong gabi.”

Si Matteo naman ay aminadong masayang-masaya na kasama niya si Sarah sa event.

“It’s the first ABS-CBN Ball and it’s the first time she’s here, so ‘yun, masaya, masaya,” sey ni Matt.

Bukod sa AshMatt, first time rin nina Nadine Lustre at James Reid na dumalo sa ABS-CBN Ball na talaga namang pinag-usapan din ng netizens dahil sa kanilang kasuotan.

Nadine was wearing a high-slit black gown na gawa ni Garimon Roferos at sari-sari ang naging reaksyon ng netizens dito. May nagandahan at mayroon namang hindi nagustuhan. Some say na best dressed siya at ang iba naman ay worst-dressed ang tingin sa kanya.

At tulad ng mga nakaraang taon (sa Star Magic Ball) wala pa ring tatalo sa top loveteams ng ABS-CBN tulad ng KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), KimXi (Kim Chiu and Xian Lian) at LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) pagdating sa kanilang bonggang gowns and suits.

Another talk of the town ay ang pagdalo ni Regine Velasquez sa ball kasama ang mister na si Ogie Alcasid. Dahil dito ay lalong lumakas ang tsismis na talagang lilipat na sa ABS-CBN ang Asia’s Songbird who for a long time ay Kapuso star.

Sa interbyu ng ABS-CBN ay natanong nga si Ogie tungkol dito at hindi nag-confirm or nag-deny ang singer.

“Basta ako, bilang asawa niya, laging full support para sa kanya, at excited ako para sa kanya, kung anuman ang mangyayari. It’s a blessing, always. Iyon lang,” pahayag ni Ogie.

Isa pang lumikha ng ingay ay ang pagrampa nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa red carpet na magkasama considering the fact na mag-ex na sila. And take note, sila pa ang nanalo ng special award na Couple of the Night.

Si Maymay Entrata naman who was wearing a pink gown by Fern One ay tumanggap ng Belo Beautiful Award.

Naglabas din ang Metro Magazine ng kanilang top 10 Best Dressed sa ABS-CBN Ball at number one sa list si Erich Gonzales who was wearing a Vania Romoff gown.

Pumapangalawa kay Erich si Jodi Sta. Maria in a Mark Bumgarner gown, third is Liza Sobe­rano in Alexander McQueen gown, pang-apat si Kathryn sa kanyang Jun Escario gown at pang-lima si Kim in her Michael Cinco gown.

Pang-anim naman sa listahan Maricar Reyes-Poon in Mark Bumgarner gown followed by Anne Curtis in her Monique Lhuillier gown, pang-walo si Nadine habang number 9 naman si Bea Alonzo in her Vania Romoff gown and last but not the least ay si Maymay sa 10th place.

ABS CBN BALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with