^

Pang Movies

Lovi at foreigner na dyowa, hiwalay na?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagtatanong ang followers ni Lovi Poe kung break na sila ng kanyang foreigner boyfriend na si Chris Johnson dahil matagal na siyang walang post nilang magkasama at parang hindi na sila nagkikita. Wala na rin siyang binabanggit sa BF niya, basta bigla na lang siya nanahimik kung tungkol sa lovelife ang pinag-uusapan.

Digital age na ngayon at malalaman kung break na ang dalawa kapag hindi na nababanggit o hindi na nagpo-post ng picture ang isa sa kanila sa socmed.

Tiningnan namin ang social media account ni Chris at wala na rin kaming nakikitang new photos ni Lovi sa account nito. Kilalang hindi nagsisinungaling si Lovi pati sa love life niya. Curious kaming marinig ang isasagot nito kapag natanong kung sila pa rin ng boyfriend? Saka, anong rason kaya ng break-up kung sakali?

Rhian anim na buwan sa New York

Magtatagal pala sa New York si Rhian Ramos. Six months siyang mag-aaral sa Upright Citizen’s Brigade. Na-enjoy daw niya ang improvisation acting nang gawin niya ang sexy-comedy na The One That Got Away at gusto niyang mas matuto pa siya, kaya pupunta sa New York.

Dahil tiniyak na maho-homesick siya, sabi ni Rhian, hindi siya straight na six months sa New York. Baka, after three months, bumalik siya ng bansa at babalik na lang uli sa New York.

Ang Taste Buddies na umeere sa GMA News TV lang ang regular TV show ni Rhian ngayon at ang balita namin, may napili na ang GMA 7 na host na pansamantalang papalit sa kanya at makakasama ni Solenn Heussaff.

Sa paggawa ng pelikula muna ang inuna ni Rhian. Showing na noong Wednesday ang The Trigonal. Showing din sa October 3, ang action trilogy ng Imus Productions na Tres na kung saan, si Rhian ang leading lady ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa 72 Hours episode.

Sa Oct. 24, naman ang showing ng movie nila ni JM de Guzman under TBA Studios na Kung Paano Siya Nawala. Wala pang playdate ang pelikulang Empty By Design na ginawa niya with foreign actors, pero dito ginawa ang pelikula.

Gabbi ipapareha kay Manolo

Masaya si Gabbi Garcia na kasama siya sa performers ng musical-variety show ng GMA 7 na Studio 7 dahil makakakanta na uli siya. Kahapon ang taping para sa pilot episode nito na airing sa October 14. Nang aming makausap, hindi pa alam ni Gabbi kung may segment siya sa show at kung sino ang kanyang makakasama.

Mauunang mag-pilot ang dramedy na Pamilya Roces na kasama rin si Gabbi sa cast bilang si Jade Roces, anak nina Roi Vinzon at Gloria Diaz.

Walang ka-love team si Gabbi sa Pamilya Roces, pero ang karakter niya ay involved kay Manolo Pedrosa na bagong lipat sa Kapuso Network. Wala siyang problema sa cast na mga bagong lipat, naging close agad sila at walang ilangan o adjustment na nangyari.

Mas gusto ng young actress na wala siyang permanent love team at kahit kanino, pwede siyang ipareha. Hindi nito sinagot ng deretso ang tanong namin kung puwede pa silang magtambal ng former love team niyang si Ruru Madrid.

Archie pinaglaruan sina Juancho at Maine

Deleted na ang video na pinost ni Archie Alemania na kung saan tinukso nito si Juancho Trivino kay Maine Mendoza. Okay na sana na dinelete ni Archie ang video na hindi nagustuhan ng fans ni Maine, kaya lang, hindi nagustuhan ng fans ang inirason nitong, “Binura ko lang kasi nakiusap ang manager ko. Wala akong pakialam kung tutuusin kay Maine, Juancho at Alden.”

Mayabang daw ang dating ng tweet ni Archie na hindi man lang nag-sorry sa gulong ginawa niya by posting the video na kuha yata sa last taping day ng Inday Will Always Love You. Habang nagdi-dinner ang cast, biniro ni Archie si Juancho habang katabi si Ruru Madrid.

Ang feeling ng fans ni Maine, pinaglaruan nina Archie at Juancho si Maine kahit hindi sumagot si Juancho sa panunukso. Ang nakakaloka, parehong si Rams David ang manager nina Archie at Maine, kaya damay si Rams sa isyu.

vuukle comment

LOVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with