^
Gabby kumpirmadong laglag sa buhay ni Mega
Gabby

Gabby kumpirmadong laglag sa buhay ni Mega

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 30, 2018 - 12:00am

Sharon Cuneta is Sharon Cuneta, I’m sure you will agree, Ateng Salve!

Sobrang successful nga ang Sharon: My 40 Years anniversary concert ng Megastar na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Friday night.

Masayang-masaya raw ang nanay ni KC Concepcion!

Sabi ni Sharon, ang Team Mega raw ay kino-convince siya na magkaroon ng repeat dahil noong mismong araw daw ng nasabing concert ay sobrang daming nagpunta sa Smart Araneta Coliseum box-office at nag-try na makabili ng tickets, pero sold-out na nga ‘yon.

Sa sobrang saya ni Sharon, feel ko na papayag siya na magkaroon ng repeat.

Pero for sure rin, ang ibang mga nag-guest sa kanyang 40thanniversary concert ay hindi na rin available. Or puwede rin namang maglagay siya ng ibang mga guest.

At sana, dahil malaking parte naman talaga ng kanyang 40 years sa showbiz ang first love team and first husband niyang si Gabby Concepcion, ay makasama ito sa magiging repeat.

Sana ay magkaayos na ng tuluyan ang dalawa at tiyak na kung magkakaroon ng partisipasyon si Gabby sa repeat ng 40thanniversray concert ng Megastar ay ikatutuwa ‘yon ng kanilang fans.

At sana ay mag-duet sila ng Come What May na madalas nilang kinakanta noong sila pa, huh!

Pero ang lahat nang ito naman ay malaking SANA pa lang dahil hindi pa naman sure na sure na may repeat nga ang Sharon: My 40 Years anniversary concert, ‘noh?!

Hehehe!

Regine last appearance na sa siyete

Sinabi ng Megastar na si Regine Velasquez-Alcasid ang biggest surprise niya sa kanyang Sharon: My 40 Years anniversary concert.

Kinantahan ni Regine si Sharon at nag-duet din sila.

Hindi raw planado ‘yon.

Ang naka-plug kay Regine na guesting niya noong Friday ay ang concert ni Maricris Garcia sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Pero pagkatapos nga no’n, dumiretso ang Asia’s Songbird sa Sharon: My 40 Years anniversary concert para sopresahin ang Megastar.

Marami ang natuwa sa ginawang ‘yon ni Regine!

Pinag-uusapan na rin na since na mukhang lilipat na talaga si Regine sa ABS-CBN ay magkaroon daw sana sila ng musical show ng Megastar!

Well…

Mamayang gabi nga pala ay tututukan ng fans ni Regine ang grand finals ng The Clash.

Mamaya na kaya talaga ang last appearance niya sa GMA 7?

Sad…

Annabelle aminado sa paboritong anak

Ang 4th birthday party mamaya ni Aria Gutierrez sa bahay ng pamilya Gutierrez sa White Plains.

Biniro ko si Annabelle Rama na si Aria ang pinaka-favorite apo niya dahil anak ito ni Elvis Gu­tierrez.

Aminado si Bisaya na si Elvis ang pinaka-favorite na anak niya.

Hindi naman nagre-react ang ibang mga anak ni Bisaya sa bagay na ‘yon. Kahit may favorite child kasi si Bisaya, lahat naman ng kanyang mga anak ay inaasikaso niya hanggang ngayon may kanya-kanya na itong pamilya.

 

GABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with