Luis Manzano at Jessy Mendiola
Luis ayaw magpadala sa udyok na pakasalan na si Jessy!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 28, 2018 - 12:00am

Ayaw madaliin ni Lipa, Batangas Representative Vilma Santos ang panganay na anak na si Luis Manzano sa pagpapakasal sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola. Mahirap daw naman kasi kung magpapakasal lang ito dahil sa mga buyo ng ibang tao.

“Siya naman magsasabi, eh,” sabi ni ate Vi nang makausap namin last Wednesday night sa taping niya for her birthday special episode sa The Bottomline ni Boy Abunda,

“Kasi pag tinatanong ko rin siya, “Ma, kayo ang unang makakaa­lam.” Ayoko namang dahil sa maraming nagbubuyo... kung kelan ka handa, anak.

“But the way I see him, he’s very happy. Pero huwag nating... basta kung kailan niya gusto, kasi mahirap ‘yung gagawin mo for buyo.”

Hindi ba niya tinatanong si Luis kung kelan siya bibigyan ng apo?

“Nagganun kami pero between him and the mom, pero kung makikinig siya sa buyo ng iba na “ang tagal naman,” wala. ‘Yun din ang katwiran niya. The more nabubuyo, the more na ayaw niya.

“Kung kelan hindi ine-expect, mas gusto niya ‘yun, kasi gusto niya, pag nagdesisyon siya, sigurado siya.”

Nang biruin nga namin siyang baka maunahan pa si Luis ng pangalawa niyang anak na si Ryan Christian na bigyan siya ng apo, aniya ay sinabi nga rin daw ito sa kanya ng bunso niya.

“Sinabi ni Ryan nun’g nag-dinner kami, “mommy, if Kuya cannot give you (a grandchild), sige I’ll give you first. Uuna na ako kay Kuya.” Sabi ko, “sige, subukan mo, nag-aaral ka pa,” kwento ni ate Vi.

Matagal na rin daw kasi ang relasyon ni Ryan sa current girlfriend nito.

Samantala, sa mga nagtatanong kung ano ang posisyong tatakbuhin ni ate Vi sa 2019 elections, re-electionist siya dahil nakaka-isang termino pa lang naman siya sa Kongreso.

Wala raw siyang balak tumakbo sa Senado dahil naroroon na raw ang kanyang asawang si Sen. Ralph Recto. Parang nasasagwaan daw siyang tingnan na mag-asawa pa sila sa Senado. Biro nga niya, baka may hindi sila pagkasunduang bill, eh doon pa sila mag-away at baka sila pa ang ma-headline.

Sa darating na Nov. 3 ay kaarawan ni ate Vi at aniya, wala na raw siya sigurong mahihiling pa.

“Sa ngayon, so far, ito lang muna, eh. Siguro kung anuman ‘yun, it will come, pero to wish for more, wala na. Basta’t so far, siguro maganda, ito lang. Kung mananalo uli, fine.  And then, mga anak ko, okay naman, awa ng Panginoong Diyos. Kami naman ni Ralph is okay,” pahayag ni ate Vi.

Mikee nagdala ng fans sa taping

Wish granted ang request ng fans ng Kapuso actress na si Mikee Quintos. Sa kanyang pangalawang vlog entry kasi dinala niya ang kanyang mga followers sa set ng pinagbibidahang primetime drama na Onanay.

Aliw na aliw ang mga viewers sa behind the scenes at fun facts tungkol sa show at sa cast.

Kaya naman ngayon pa lang, ang dami nang nag-aabang kung ano ang next vlog entry ni Mikee.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with