^

Pang Movies

Lovi matatapos na ang Ka Oryang

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Lovi matatapos na ang Ka Oryang
Lovi

After nina John Ar­cilla, Paulo Avelino, Cong. Alfred Vargas, at nauna na si Cesar Montano na gumanap ng roles ng mga bayaning Pilipino tulad nina Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Andres Bonifacio at Jose Rizal, si Lovi Poe naman ang napipisil para gumanap ng role ng isang babaeng nabuhay nung panahon ng katipunan at naging asawa ni Bonifacio na si Gregoria “Ka Oryang” de Jesus. Siya rin ang namuno ng grupo ng mga kababaihan ng mga panahong ‘yun na sumama sa himagsikan.

 

Ang pelikula na pinamagatang Lakambini ay ididirek ng hindi iisa kundi dalawang direktor, sina Ellen Ongkiko - Marfil at Jeffrey Jetturian. Tampok din sina Paulo Avelino matapos ang kanyang matagumpay na Goyo: Ang Batang Heneral, Rocco Nacino at Gina Pareno. Inaasahan na susuportahan din ng manonood ang biopic ni Ka Oryang na magsisilbing challenge sa Kapuso actress at sa dalawa niyang direktor.

Carlo at Angelica mas in love ngayon

Tinanong ni Boy Abunda sa kanyang panggabing programa sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban kung ano ang pumipigil para magkabalikan sila at bagaman at ‘di nagkaroon ang dalawa na sagutin ang tanong dahil natabunan ito ng komersyal, nabatid naman ng nanonood ng Tonight With Boy Abunda na malaki ang posibilidad na manumbalik ang pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa pero, hindi pa ngayon.

Understandable naman ito dahil parehong ratsada ag karera nila at gusto lang nila marahil iprayoridad ang trabaho bago ang lovelife nila. Ang mahalaga, may nabuong bago sa dalawa ngayon, mas mahal na nila ang isa’t isa.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with