Piolo
Piolo hindi na uli gagawa ng teleserye
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 26, 2018 - 12:00am

Mukhang walang kapaguran si Piolo Pascual nang ilahad niya ang kanyang schedules sa launch ng SunPiology Trio na nasa ika-10 taon nang nagbibigay ng charity-sporting event from Sun Life Philippines. 

 

Si Piolo ang ambassador nito kaya tinawag na SunPIOLOgy at nagri-raise sila ng funds for education, diabetes-awareness, and help more Filipinos live healthier life. Nag-announce na rin si Piolo na marami na silang napa-graduate na mga scholars na nagtatrabaho na rin ngayon.

Ang SunPiology Trio event ay magaganap sa November 17 sa Bonifacio Global City. 

May dalawa pang events ito, ang Sun Life Resolution Run at Sun vs. Stars with Star Magic artist sa January 26, 2019 sa Camp Aguinaldo. May Bike rin with Sun Life Cycle Ph kung saan ang mga riders ay iikot sa Taguig, Makati, Manila at Pasay, na pangungunahan nina Piolo at Matteo Guidicelli. Mag-register lamang sa www.sunlife.cycleph.com.

Ang Sun Life Resolution Run, bukod sa Pilipinas, ay magkakaroon din sa Malaysia (January 13), Indonesia (January 20), Hong Kong (January 27) at Vietnam (January 27). Nag-volunteer na si Piolo na pupunta sa tatlong Asian countries. Beneficiaries nito ang Hebreo Foundation, Institute for Studies on Diabetes Foundation, Nordhoff Foundation, at Star Magic scholars.

Busy na rin ang schedules ni Piolo as an actor and producer sa movies. Ang Since I Found You na raw ang magsisilbing last teleserye niyang gagawin.

Tuloy pa rin ang Marawi movie nila ni Robin Padilla, inaayos lamang ang shooting schedule dahil hindi sila pinayagang mag-shoot sa Ground Zero na hindi pa safe at hindi pa tapos ang clearing operation. October and November, may tatlong movies siyang gagawin, dadalo rin niya sa Busan International Film Festival at gagawa pa siya ng isang movie kay Lav Diaz. 

Biro ni Piolo, gusto niyang gumawa ng movie under Lav dahil kung saan-saang international film festival daw siya nakararating. Pumayag na rin siyang gumawa ng movie under Brillante Mendoza. May US and Canada concert tour sila ng anak na si Inigo Pascual at malamang sa US na siya mag-celebrate ng birthday niya sa January 12, 2019.

Sanggre hindi masyadong umeksena sa VM

Nag-away sa Twitter ang mga netizens na sumusubaybay sa Victor Magtanggol at mga basher matapos mapanood last Monday evening ang pagpasok ng mga dating gumanap na Sanggre sa Encantadia, sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia. 

Galit ang bashers at kung anu-ano pang panglalait ang sinabi kay Alden Richards at sa Team VM. Paasa raw ang mga ito. Pinauna na ni Alden na mali ang iniisip ng mga basher na role ng apat.

True enough, nag-costume lamang pala sila sa isang contest at nakita nila ang nangyari kay Victor na nabaril at duguan. Iniuwi nila sa kubo nila sa gitna ng bukid at ginamot. 

Patuloy na abangan ang magkakapatid at si Victor, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.

 

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with