_pang-masa
^

Pang Movies

Concert ni Erik iniintrigang boring!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, may ibang mga nang-iintriga pala sa My Greatest Moments, ang 15th anniversary concert ni Erik Santos na ginanap sa MOA Arena noong Saturday.

 

Obviously, ‘yung mga nang-iintriga, hindi puwedeng kuwestiyunin ang pagiging hit ng nasabing concert dahil kita naman na puno ‘yon. Ang intrigang ginagawa na lang ng iba, medyo boring daw ang concert na ‘yon ni Erik.

May mga nagsasabi pa na hindi okey ang direction ni John Prats (siya ang co-director ni Erik).

Ang hirap namang mag-comment dahil hindi nga ako nakapunta at ang tindi ng jet lag ko ng gabing ‘yon, kaya nagtanung-tanong na lang ako.

Isa sa mga natanong ko ay ang businesswoman/philanthropist na si Pinky Tobiano na nakasama namin nina Manay Lolit Solis na mag-lunch kahapon kasama rin ang husband niyang si Juancho Robles na siyang naging official auditor ng The EDDYS’s Awards Night.

Kaibigan ni Erik si Pinky at palagi itong nakasuporta sa mga concert ng singer.

Sabi ni Pinky, marahil ay nahabaan ang ibang mga nanood sa My Greatest Moments, pero hindi raw boring ang nasabing concert.

“Marami kasing mga guest,” sabi ni Pinky.

Pero sa rami nga ng mga nag-perform, sulit na sulit nga ang ibinayad ng fans ni Erik sa kanyang 15th anniversary concert, huh!

Actually, baka may iba lang na gusto lang intrigahin si Erik.

Anyway, ang maganda nga palang narinig ko, hindi raw nagpabayad ang mga nag-guest sa My Greatest Moments.

Pero pagdating daw ng mga guest na ‘yon sa kani-kanilang dressing room sa MOA Arena ay may special gift na raw na naghihintay para sa bawat isa.

Si Erik daw mismo ang namili ng mga gift na ‘yon.

Si Vina Morales nga na BFF ni Erik, natuwa sa gift sa kanya ng singer.

Masayang-masaya nga pala si Erik sa malaking tagumpay ng My Greatest Moments, kaya naman very thankful siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya! At alam n’yo ba na may mga nagsa-suggest na magkaroon daw ng repeat si Erik.

May iba rin na nagsasabing puwedeng gumawa pa ng isa si Erik at kahit sa Kia Theater na lang daw para lang ma-accommodate ang mga gusto pang manood sa kanya na hindi nga nakapunta sa MOA Arena noong Saturday!

Barbie makakapagpahinga na

Last two weeks na lang pala ang Inday Will Always Love You.

May papalit na rito, kaya wala na silang extension pa.

So, makakapagpahinga na rin si Barbie Forteza na sobrang ngarag din naman sa taping ng nasabing romatic-comedy series.

Teka! After ng bakasyon nila sa Hong Kong ng boyfriend niyang si Jak Ro­berto, saan naman kaya sila susunod na magliliwaliw?

Well…

Pagkakabati nina Jenine at Janella ikinatuwa ng marami

Isa si Manay Lolit sa mga taong happy para sa pagkakaayos ng mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.

May nagparating kay Manay Lolit na happy si Jenine sa pinost niya sa kanyang Instagram account kung saan sinabi ng kilalang talent manager cum showbiz columnist na ang mag-ina ay mag-ina at sa dulo ay dapat lang na sila ang magkakampi at hindi magkaaway.

Sabi ni Manay Lolit, gustung-gusto raw talaga niya na kapag may mga ganoong problema ay naaayos din in the end, kaya nakaka-happy raw!

Agree, Ateng Salve?

ERIK SANTOS JOHN PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with