Isyu sa pagbabago ng Lupang Hinirang kalmado na, Dingdong mas piniling mag-alaga ng buntis
Dingdong

Isyu sa pagbabago ng Lupang Hinirang kalmado na, Dingdong mas piniling mag-alaga ng buntis

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 26, 2018 - 12:00am

Medyo kalmado na ang paligid sa isyu ng pagpapalit sa hu­ling linya ng Lupang Hinirang na idea ni Senate President Tito Sotto.

 

Hindi na masyadong pinag-uusapan bilang aligaga ang lahat sa naging pag-aresto kay Sen. Antonio Trillanes kahapon na nakapag-piyansa rin naman.

Grabe ang ingay ng paligid sa pulitika na para bang everyday na lang may bagong pangyayari na nakakawindang sa ating buhay.

Tama lang ang decision ni Dingdong Dantes na ‘wag nang makigulo sa pulitika at tutukan na lang ang pag-aalaga sa buntis na misis na si Marian Rivera.

 “At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.

“My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.

“Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.

“Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.

“Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala,” ang bahagi ng statement ng actor kahapon.

DINGDONG DANTES LUPANG HINIRANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with