^

Pang Movies

Janella at Elmo natakot sa demanda, nag-show kahit magkagalit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Janella at Elmo natakot sa demanda, nag-show kahit magkagalit
Janella Salvador at Elmo Magalona

Nagkita pala sa isang out-of-town show noong weekend ang ex-lovers na sina Janella Salvador at Elmo Magalona pero nagdedmahan sila.

Ang balita na nakarating sa akin, tinanggap nina Janella at Elmo ang raket noong hindi pa sila break.

Kung hindi nila sisiputin ang show, baka magkaroon ng legal problems kaya pinilit na lang ng dalawa na maging professional.

Nakumpirma ang paghihiwalay nina Janella at Elmo dahil nakipagkasundo na ang young actress sa kanyang nanay na si Jenine Desiderio na maligayang-maligaya.

Nasaktan man noon si Jenine, nawala ang lahat ng pain nang makipag-reconcile sa kanya ang unica hija niya.

Ano ang aral na dapat na matutunan ng mga kabataan sa nangyari sa mag-ina? Mothers know best!

With open arms na tinanggap ni Jenine ang kanyang anak na parang hindi siya nakita nang magpang-abot sila noong August 19 sa 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza Hotel.

Kasama noon ni Janella si Elmo na dedma rin sa presence ni Jenine. Walang nag-akala na one month later, magkakasundo na uli ang mag-nanay na ikinatuwa ng mga tagahanga nila dahil all’s well that ends well.

Memorable talaga ang birthday celebration ni Jenine noong Linggo dahil sa pag-uwi ng anak niya.

Revilla brothers, positibo sa paglaya ni Bong

Happy 52nd birthday kay Bong Revilla, Jr.!

Ngayon ang actual birthday ni Bong pero binisita ko na siya kahapon sa PNP Custodial Center ng Camp Crame para batiin ng “maligayang kaarawan.”

Kahapon din ang grand presscon ng Tres sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Present sa media conference ang magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi Revilla na iisa ang birthday wish para sa kanilang ama, ang makalaya na ito mula sa apat na taon na pagkakakulong.

Very positive si Jolo dahil nakakundisyon ang isip niya na sooner or later, makalalaya na ang kanyang ama.

Hindi nawawalan ng hope ang Revilla brothers dahil sa huling hearing ng kaso ni Bong, bumaligtad ang lahat ng mga testigo.

Sana nga, makalaya na si Bong. Hindi naman siguro kalabisan kung hihilingin ko na makalabas na siya sa Camp Crame bago sumapit ang Pasko o Bagong Taon.

Pero kung itutuloy ni God, puwede rin na palayain sana si Bong sa linggong ito para makadalo siya sa grand premiere night ng Tres sa SM Megamall Cinema sa September 30.

Jolo at Rhian hindi masama kung magkakatuluyan

Sinabi ni Rhian Ramos na inasahan niya na mali-link siya kay Jolo Revilla nang magtambal sila sa 72 Hours episode ng Tres.

Naging realistic lang si Rhian dahil pareho sila ni Jolo na single. Nasanay na rin siya na natsitsismis sa mga aktor na nakakapareha niya sa mga teleserye at pelikula.

Hiwalay na si Jolo sa girlfriend nito na si Jodi Sta. Maria at loveless din si Rhian dahil nagbabu na ito sa kanyang boyfriend.

Wala akong nakikita na masama kung magkagustuhan sina Jolo at Rhian dahil mga binata at dalaga sila.

It’s about time na magkaroon si Jolo ng bagong inspirasyon, kahit fan ako ng relasyon nila ni Jodi.

Karapatan ni Jolo na lumigaya at maging ­ins­pired dahil stressful ang trabaho niya bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Cavite.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with