^

Pang Movies

Malaki talaga ang galit? Jake Zyrus tinawag na ‘evil queen’ ang ina

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Malaki talaga ang galit? Jake Zyrus tinawag na �evil queen� ang ina
Jake Zyrus

Sa totoo lang, hindi na siguro bago sa atin lalo na sa panahong ito na may mga anak na nakakalaban o kung hindi man ay lumalaban nang diretsahan sa kanilang mga magulang. May mga batang masyadong open sa pagsasabi ng kanilang problema o nararamdaman sa kanilang mga magulang, pero bihira ang nagsasabing demonyo ang mga magulang nila.

Iyon ang ikinagulat namin kay Charice Pempengco, na nagpapakilala ngayon sa kanyang alyas na Jake Zyrus. Gumawa siya ng isang libro kung saan tinawag niya ang kanyang inang si Racquel Pempengco na “evil queen”. Kung isasalin iyan sa tagalog ay napakasakit, dahil hindi lamang niya tinawag na demonyo ang nanay niya kung hindi “reyna ng mga demonyo”.

Naging malupit daw kasi ang kanyang ina sa kanya noon, pinapalo siya ng sinturon na ang talagang pinatatama pa sa kanya ay iyong buckle. Hinahampas daw siya ng kahit na anong bagay na mahawakan at sinasabi niyang iyon ang dahilan kung bakit marami siyang peklat o naging bukol sa kanyang ulo.

Hindi naman niya sinabi kung bakit sila umaabot sa ganoong sitwasyon ng kanyang ina, pero para sa publiko na wala naman siyempreng alam sa kanilang pribadong buhay bago nabulgar ang lahat ng kanilang problema, iyong nanay niya ay nagsikap din para mailabas ang talent niyang si Charice hanggang sa makilala nga siya.

Parang ang lahat naman ng iyan ay nagsimula lamang lumabas noong tutulan ng kanyang mga magulang noon ang naging relasyon niya kay Alyssa Quijano, na ngayon naman ay nahiwalay na rin sa kanya.

Ewan kung ano ang palagay ninyo sa mga bagay na iyan, pero hindi naging kaugalian ng mga Pilipino iyong lumalaban sa magulang, lalo na sa isang ina, kaya siguro nag-aalangan kami nang mabasa naming iyong tinawag niya ang nanay niyang reyna ng demonyo. Isa pa, nakagisnan kasi natin ang salita ng Diyos na nag-uutos na igalang mo ang mga magulang mo, kasabay ng isang pangako na magiging mas mabuti ang iyong buhay.

Sunshine inuulan ng suporta

Nag-iisip lang kami, ano kaya ang dahilan at ang mga ibang artista ay panay ang bati kay Sunshine Cruz ng congratulations matapos na ibigay sa kanya ng korte ang hiningi niyang annulment ng kanyang kasal sa dating asawang si Cesar Montano, na mukha namang nananahimik sa desisyon ng korte.

Ang isa sigurong dahilan ay dahil galing si Sunshine sa isang showbiz clan at mas maraming kaibigan ang kanyang pamilya sa showbusiness. Natural mas maraming kakampi si Sunshine. Ayaw naman naming isipin na mas maganda ang image ni Sunshine sa kanilang mga kasama kesa kay Cesar.

Ilang artista umatras na sa eleksiyon

Tama ang desisyon ng ilang personalidad na huwag kumandidato sa susunod na eleksiyon, Hindi guarantee na dahil artista ka ay mananalo ka. Kailangan din naman ang magandang background o karanasan bago maglakas loob. Ang pagkandidato ay hindi kagaya lamang ng pagbebenta ng siopao o inihaw na manok. Hindi ganoon kadali iyon, kahit na tanungin pa ninyo ang mga artistang nagtagumpay sa pulitika. Iyan kasing serbisyo, sakripisyo iyan. Mas malaki ang kikitain ninyo bilang artista kaysa sa pagpasok sa pulitika, maliban kung papasok din kayo sa graft and corruption.

Mag-artista na lang kayo, mabuti pa.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with