^

Pang Movies

Yassi humirit, gusto ring makasama sa pelikula si Coco

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yassi humirit, gusto ring makasama sa pelikula si Coco
Coco Martin si Yassi Pressman

Iniintriga ng mga netizens kung bakit daw hindi kinukuhang leading lady ni Coco Martin si Yassi Pressman sa mga pelikula nito gayung click naman ang tambalan nila sa FPJ’s Ang Pro­binsyano.

Pero para kay Yassi, wala naman daw siyang nakikitang issue rito at wala raw problema sa kanya kung iba ang gusto ni Coco na makapareha sa pelikula.

“Para iba naman po,” katwiran ni Yassi. “Feeling ko naman po, maganda rin po pag nakikita n’yo rin siyempre si Coco na may kasama ring iba.

“Ako rin naman po, meron din akong ibang ginagawa,” aniya.

Bukod sa abala siya ngayon sa promo ng pelikula niyang Para sa Broken Hearted na showing na sa October 3, nakatakda rin daw siyang maglabas ng kanyang sariling libro this year.

May time pa siya na magsulat ng libro sa sobrang busy niya?

“Sa set po,” natatawang sambit ng aktres.

“Mas gusto ko po kasing magkaroon ng personal connection with my fans and supporters,” sey niya tungkol sa libro.

Ayaw daw muna niyang idetalye kung tungkol saan ang laman ng book at saka na lang daw pag talagang ilalabas na.

Gusto rin ba niyang magkaroon ng movie with Coco?

“Oo naman, kung mamarapatin po,” sagot ni Yassi.

Hindi remake Man & Wife nina Jodi at Gabby kadugtong daw ng Gulong Ng Palad

Ipinaliwanag ng actress/director na si Laurice Guillen na hindi remake ng Gulong ng Palad ang pelikulang Man & Wife na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria.

Ang Gulong ng Palad ay hit teleserye noong 70’s na pinagbidahan nina Marian dela Riva at Ronald Corveau.

Ayon kay direk Laurice, lagi raw siyang tinatanong kung remake ba ang Man & Wife at paulit-ulit niyang sinasabi na hindi. Kaya ang ending, pinalitan na lang daw nila ng title (mula sa dating titulo na Gulong ng Palad) para hindi na magkaroon ng misconception.

Ang kwento raw ng Man & Wife ay parang karugtong ng Gulong ng Palad. Bumalik sa Pilipinas ang mag-asawang Luisa at Carding (Jodi and Gabby) mula sa 10 taong pananatili sa Amerika.

“They come back after 10 years, hindi na kasing maapoy ang kanilang pagmamahalan katulad ng 10 years ago na talagang against all odds dahil talagang nagmamahalan sila, ipaglala­ban nila. Ganu’n katindi ang pagmamahalan nila,” kwento ni direk Laurice.

Naghirap daw sa Amerika ang mag-asawa at pagdating sa Pilipinas, hindi pa rin daw matanggap ni Dona Menang (nanay ni Carding na dating ginagampanan ni Tita de Villa at dito sa pelikula ay si Liza Lorena naman ang gumaganap) si Luisa.

Nasa pelikula pa rin daw ang mga dating karakter tulad ng mga kapatid ni Luisa na sina Totoy, Peping at Neneng. Pati ang nanay ni Luisa na si Nanay Idad (previously portrayed by Caridad Sanchez) ay naroroon pa rin na ginagampanan na ngayon ni Amy Austria.

Personal choice raw niya sina Jodi at Gabby dahil ang edad daw ng mga ito ngayon ang swak na swak sa karakter since 10 years na nga silang kasal.

vuukle comment

COCO MARTIN

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with