^

Pang Movies

Susan ikinuwento kay Sarah ang love story nila ni FPJ

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Susan ikinuwento kay Sarah ang love story nila ni FPJ

Tuwang-tuwa naman si Susan Roces sa guesting niya kahapon sa ASAP dahil hinarana siya nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.

Kinanta ng dalawa ang Daigdig Ko’y Ikaw kaya nagbalik sa alaala ni Manang Inday ang nakaraan.

Kinilig si Sarah sa sinabi ni Manang Inday na ang Daigdig Ko’y Ikaw ang theme song ng unang movie team up nila ni Fernando Poe, Jr. sa kanilang 1965 movie na ganoon din ang pamagat.

Ayon kay Manang Inday, after three years, nagpakasal na sila ni Kuya Ron na biggest news noong 1968.

Mga superstar sina Kuya Ron at Manang Inday kaya talk of the town ang pag-iisang dibdib nila na dinaluhan ng mga who’s who sa politics at showbiz.

Ang Sanctuario de San Jose sa Greenhills ang venue ng pag-iisang dibdib ng King of Philippine Movies at ng Reyna ng Pelikulang Pilipino. Kabilang sa mga wedding sponsor sina President Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Marcos.

Wedding of the Year at Fairy Tale Wedding ang description noon sa kasal nina Kuya Ron at Manang Inday.

Ang Asia’s Fashion Czar na si Pitoy Moreno ang gumawa ng wedding gown ni Manang Inday. Si Pitoy ang pinakasikat noon na fashion designer, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong Asia.

Nag-honeymoon sa Tokyo ang bagong kasal at naglabas ng mga special edition ang mga magazine tungkol sa wedding of the year na sold-out agad ang mga kopya.

Mahirap makalimutan ang wedding date nina Manang Inday at Kuya Ron dahil Pasko noon. Kung nabubuhay si Kuya Ron, ipagdiriwang nila ni Manang Inday sa December 25 ang kanilang golden wedding anniversary.

Edu nagpasaya ng mga guro

No-show kahapon si Edu Manzano sa 3rd anniversary celebration ng Ang Probinsyano sa ASAP dahil may previous commitment siya, ang 11th anniversary at grand gathering ng Gabay Guro sa Mall of Asia Arena.

Gustuhin man ni Edu na umapir sa ASAP, hindi puwede dahil maaga ang calltime niya sa MOA Arena bilang host ng star-studded Gabay Guro na project ni Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla.

Libu-libong guro mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ang dumalo sa grand gathering ng Gabay Guro at nag-win ng mga bonggang raffle prizes.

Parang nag-guest na rin si Edu sa ASAP dahil tuwang-tuwa ang mga teacher nang makita siya. Pinapanood kasi ng mga teacher ang Ang Probinsyano kaya kilalang-kilala nila ang Vice President Lucas Cabrera na karakter ni Edu.

Kahit kontrabidang-kontrabida ang role ni Edu sa show ni Coco Martin, love na love siya ng mga guro dahil knows nila na ibang-iba ang ugali niya sa tunay na buhay.

Nagpagupit na Marian kinumpirma ang pagbubuntis?!

Ang bagong hairdo ni Marian Rivera ang napansin ng fans niya.

Natatandaan ng fans ang pralala na magpapagupit si Marian ng buhok kapag buntis ito.

Ang new hairstyle ni Marian ang gina­gamit ngayon na basehan ng fans na naniniwala na buntis ang aktres sa second baby nila ni Dingdong Dantes.

Isang malapit kay Dingdong ang tinanong ng isang reporter tungkol sa isyu. Nag-smile lang at hindi sumagot ang BFF ni Dingdong kaya hindi na nangulit ang reporter na kumbinsido rin na preggy nga si Marian at sooner or later, maglalabas sila ng mister niya ng official announcement.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with