^

Pang Movies

Marian unti-unti nang ipnahahalata ang pagbubuntis sa OOTD

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian unti-unti nang ipnahahalata ang pagbubuntis sa OOTD
Marian Rivera

Mukhang tutok ang mga netizens kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, kung saan bawat kilos nito ay nakikita nila. Like iyong nagpaputol siya ng buhok na ipinakita pa niya. Minsan na raw sinabi ni Yan noon na sign iyon na preggy na siya. Pangalawa, iyong lagi siyang nakasuot ng flat shoes, kahit OOTD (outfit of the day), pansin na lagi nga siyang naka-flat shoes. Kahit nang tumanggap siya ng award sa 8th EdukCircle Awards bilang pagkilala sa kanya as Most Influential Endorser of the Year, naka-flat shoes din siya. At kahapon sa Sunday PinaSaya naka-flats din siya at nang sumayaw na siya, hindi na ito tulad ng dati na kapag sumasayaw siya ay bigay-todo siya sa kanyang budots dance segment.

Anyways, nagpasalamat si Marian sa tinanggap na award mula sa mga taga-academe at nagpasalamat din siya sa mga students na tilian nang tilian nang umakyat siya sa stage.

Alden wala pa ring pahinga pagkatapos ng concert

Iba talaga ang energy ni Alden Richards. May hang-over pa yata siya ng success ng kanyang concert kaya nag-tweet siya ng “Very grateful for a long week of paasion and hard work. Salamat LORD makakatulog na din po ako nang maaga. Happy weekend.”

Pero hindi pala siya nagpahinga dahil pumunta siya ng Davao para sa 13th PAL LADIES Interclub Golf Tournament Awards at bumalik pa rin siya ng Manila pagkatapos i-serenade ang mga PAL Ladies.

Back to taping na rin si Alden ng Victor Magtanggol today after ng ilang araw na hindi nag-taping para maghanda sa kanyang concert. Tonight, papasok na ang mga Sanggres ng Encantadia at malalaman na kung ano talaga ang magiging role nila sa buhay ni Victor Magtanggol. Napapanood ang Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

Sam hindi pinahalatang wasak

Sa cast ng Para Sa Broken Hearted ng Viva Films, si Sam Concepcion pala ang mas nakaka-relate dahil a week before the presscon lamang sila nag-break ng former girlfriend niyang si Kiana Valenciano.

Hindi ipinahalata ni Sam na broken hearted siya dahil ito ang sagot niya sa tanong kung broken hearted siya “it is a phase in life, and kung mangyayari ito, dapat ay mag-move on agad at mag-focus sa ibang bagay.  Maikli lamang ang buhay at we have to enjoy every minute of it.  Find another love and learn from experience.”

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with