^

Pang Movies

Alden at Maine malabo nang magsama?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Alden at Maine malabo nang magsama?!
Alden Richards

Tiyak na matutuwa ang fans ng other half ng AlDub loveteam na si Maine Mendoza dahil malapit na itong mapanood sa Kapuso Network sa isang bagong sitcom na pagsasamahan nila ng isa sa mga poste ng Eat Bulaga, ang singer-composer-TV host comedian at producer na si Vic `Bossing’ Sotto na pinamagatang Daddy’s Gurl.

Kung ang ka-loveteam ni Maine na si Alden Richards ay may tumatakbong primetime TV series, ang action-fantasy na Victor Magtanggol na hindi kasama si Maine, hindi naman kasama ni Maine si Alden sa bagong gagawing sitcom nito.

Although nasa magkahiwalay na career path na ngayon sina Alden at Maine, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang kanilang mga adoring fans na muling ibabalik ang tambalan ng dalawa balang araw.  After all, Alden and Maine owe it all to their loveteam and their fans kung nasaan man sila ngayon.

Sinabi ni Bossing (Vic) na kakaiba umano ang unang sitcom nila ni Maine dahil sa halip na sa studio lamang nila gawin ang taping ay naka-location na umano sila.

Hindi pa sini-share ni Bossing kung sinu-sino ang makakasama nila sa sitcom liban kay Wally Bayola.

Ryan tuloy pa ang pagpapagaling

Maraming televiewers ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa Eat Bulaga ang isa sa mga Dabarkads na si Ryan Agoncillo.

Sa isang panayam,  sinabi ng misis ni Ryan na si Judy Ann Santos na kailangan umano ng intensive therapy ni Ryan na may kinalaman sa kanyang inoperahang tuhod in 2017 kaya ito nakapahinga hanggang ngayon.

Samantala, marami rin ang nagtatanong kung bakit hindi pa rin bumabalik si Billy Crawford sa noontime show ng It’s Showtime. Nagsimula ang pagkawala ni Billy sa It’s Showtime when he took his leave of absence from the program na may kinalaman sa pagpapakasal nila ni Coleen last April sa Balesin Island in Quezon.  Magmula noon ay hindi pa rin nakakabalik si Billy sa nasabing noontime show na pinagsasamahan nila nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Na­varro, Jong Hilario, Karylle, Amy Perez, Mariel Rodriguez, Ryan Bang at iba pa.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with