^

Pang Movies

Luigi proud na anak ni Bong

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaya ang naging presscon ni Luigi Revilla kamakailan lang para sa pelikula nilang Tres ng mga kapatid niyang sina Bryan at Jolo Revilla.

 

Ang Tres ay isang action-trilogy kung saan may sari-sariling episode, direktor at leading ladies ang Revilla Brothers.

Proud na proud naman si Luigi na sabihin sa media ang katotohanang may asawa’t anak na siya at wala raw siyang balak itago ito.

Mabuti pa itong si Luigi, nagsasabi ng totoo, ‘di tulad ng iba riyang artista, magsisinungaling pa para lang ma-build up ng todo ang imahe.

Proud din daw siyang naging anak siya ni Bong Revilla Jr. na isa ring action star at ngayon ay nakakasilip na ng pag-asang makalaya mula sa pagkaka-detained sa Camp Crame.

Tinapos muna ni Luigi ang pag-aaral bago siya tuluyang sumabak sa pag-arte.

Showing na ang Tres sa October 3 in theaters nationwide. Star Cinema ang nakatakdang mag-release nito.

Mystica nagyayabang na naman?!

May mga kumakalat na namang issue tungkol kay Mystica, ang dating singer na kilala sa pag-i-split habang kumakanta. Kamakailan lang ay nakiusap ito kay Coco Martin na sana ay tulungan siyang makabalik sa showbiz at pag-arte nang sa ganon ay makabawi naman siya sa kanyang pangkabuhayan. Nagtitinda na lang kasi ito ngayon ng fried chicken, taliwas sa kanyang kasikatan noon.

Ngayon ay may ilang netizen na nagsasabing nagyayabang na naman daw ito diumano, sinabi rin daw ni Mystica na baka mas lalong tumaas ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano kung makakapasok siya rito.

Well, ‘di natin knows kung totoo nga ba ito, pero kung sakali mang oo, sana ay matuto na lang tayong magpakumbaba at magpahalaga sa ating mga nakukuha.                                                                          

vuukle comment

LUIGI REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with