^

Pang Movies

VP Leni madalas lumabas ng walang bodyguard?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, maagang natapos si Ruffa Gutierrez sa guesting niya sa Eat Bulaga, kaya bigla siyang nag-aya na mag-lunch sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

 

Papasok ako sa restaurant nang may isang babae ako na muntik makabungguhan.

It turned out na si Vice President Leni Robredo pala ‘yon.

Isang babae lang ang kasama niya at hindi ako sure kung may mga bodyguard siya, kaya hindi ko rin siya napansin agad.

Favorite rin pala ni VP Lennie ang restaurant na ‘yon.

Actually, like Annabel’s restaurant, favorite rin ng maraming showbiz celebrities na puntahan ang lugar na ‘yon.

Ruffa may secret project sa abroad

Over lunch with Ruffa, napagkuwentuhan nga namin ang isang secret project pa niya na kukunan abroad.

Ayaw pa munang ipasulat ni Ruffa ang details tungkol doon at saka na raw kapag paalis na kami.

May kinalaman daw ito sa Asia reality show nila na It’s Take Gutz to be a Gutierrez kaya kinuha rin siya sa secret project muna dahil kilalang-kilala siya sa Asian country na ‘yon.

Dahil nail spa day nga pala niya ‘yon with her BFF Karla Estrada, naisipan ni Ruffa na pasunurin na lang doon ang nanay ni Daniel Padilla dahil nag-hair treatment lang pala ito sa pag-aaring Queen Mother Salon na may bagong branch malapit sa Mario’s.

Ang sarap din katsikahan sina Ruffa at Karla dahil marami ka­ming napag-usapan.

Siyempre, binati namin si Karla sa success ng The Hows Of Us nina Daniel at Kathryn Bernardo at sobrang thankful na siya sa mga nanood dahil more than 700 million pesos na ang kinita ng pelikula.

Sobrang saya nga raw ng KathNiel.

Naikuwento nga pala ni Karla na nag-a-advance taping sila ngayon ng Magandang Buhay dahil pupunta raw siya sa Ameika.

Wedding daw kasi ng brother niya.

In fairness, dapat lang mag-advance taping ang Magandang Buhay dahil mas masaya ang show kapag nandoroon si Karla.

Kapag absent kasi siya just like last week, medyo malungkot ang show!

Vice Ganda tiyak mangangabog sa ABS-CBN Ball

May nakapagtsika sa akin na gown ang isusuot ni Vice Ganda sa first ever ABS-CBN Ball.

For sure raw, marami ang kakabugin sa gown ni Vice.

Sobrang pinaghandaan din daw ng TV host/comedian ang September 29 event na ‘yon ng Kapamilya network na gaganapin sa Shangri-La Makati.

DAHIL SA HIRAP NG BUHAY, AKTRES TUMANGGING MAGSUOT NG DAMIT NA KALAHATING MILYON ANG PRESYO

Pina-order pala ng kanyang stylist ang actress na ito ng damit sa isang kilalang fashion brand abroad.

Naloka raw si actress dahil more than 500 thousand pesos ang halaga ng damit na ipapasuot sa kanya sa isang big event.

Ayaw ni actress.

Sa hirap daw ng buhay ngayon, ayaw niyang mag-splurge ng ganoon kalaki para lang sa isang damit na once lang niya masusuot.

Well, tama naman siya sa bagay na ‘yon!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with