^

Pang Movies

Gabby pinipilit kumandidato sa 2019

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil madalas ngang makita si Gabby Concepcion na kasama ang best friend niyang si Negros Occidental Representative Albee Benitez, marami ang nagsususpetsa na baka tumakbo siya sa 2019 elections.

 

Inamin ni Gabby na napakaraming kumakausap sa kanya para tumakbo.

“Ang dami,” sey niya, “ang dami, grabe. Kung saan ako may property, alam nila, gusto nila tumakbo ako roon.”

Tatakbo ba siya?

“Alam mo naman ang politics. Si Marco Sison nga, umatras na, ayaw na niya. Marami nang ayaw na rin, nasubukan, ayaw na.

“Pero ‘yung mga iba, talagang pilit nang pilit.

“Well, I can see also kung bakit. Pag nandidiyan ka na, masaya rin naman, para ring showbiz, da­ming tao, masaya rin naman because makakasama ko si Albee Benitez. ‘Yun, kababata ko ‘yun, alam mo naman. Best man ko ‘yun sa kasal namin ni lola (Sharon Cuneta) n’yo, no?” sabi ni Gabby.

Talaga raw sumasama siya sa kaibigan niya sa pag-iikot at gusto raw niyang tumakbo itong Senador.

“And when he does, ikakampanya ko siya talaga. Because nun’g nanalo siyang Congressman, I was with him, house to house kami,” kwento pa ni Gabo.

Basta sa ngayon ay abala raw siya sa kanyang mga showbiz activities. Katatapos lang niya ng pelikulang Man & Wife with Jodi Sta. Maria under Cineko Productions at ngayon naman ay may concert tour siya sa Canada na magsisimula ngayong Sept. 27 at hanggang December na raw ito.

Victor Neri mas choosy na 

Aminado si Victor Neri na dumating siya sa panahong ayaw na niyang humarap sa camera kaya siya tumigil pansamantala sa showbiz.

“I took a break for almost 10 years because I didn’t want to see a camera,” ani Victor sa red carpet premiere at presscon ng upcoming film niyang Hapi ang Buhay, the Musical na gina­nap last Friday sa SM Megamall.

“Parang nawalan ako ng interest sa process ng pelikula kaya ako nagpahinga nu’n. Parang gumising ako, ayoko nito,” dagdag niya.

Umalis daw siya sa showbiz noong 2007 at bumalik lang siya last year, 2017.

“Mali ‘yung pananaw ko noon, eh,” sambit niya.

Ngayon ay careful na raw siya sa pagpili ng mga roles na gagampanan at tumatanggap lang siya ng proyekto na gusto niya. Hindi na raw siya katulad ng dati noong bata-bata pa siya na tanggap lang nang tanggap.

“I think, maraming artista rin na mga kaedad ko or mas senior sa akin na nasa punto na kami ng hindi na work, ‘yung hindi na kailangan naming magtrabaho, pera o ano, ‘yung tira lang nang tira.

“‘Eto hindi na, eh. Namimili.’ ‘Ayoko ‘yan, ang pangit ng istorya, walang aral,’ ‘ang pangit ng aral, ‘wag ‘yan,’ ganoon na.

“At suwerte ako no’n na dumating na ako sa punto na ‘yun, kasi ‘yun naman ang gustong i-achieve ng lahat ng pumapasok sa industriya,” pahayag ni Victor.

Aniya pa, ’pag dumating na sa ika-10 taon sa showbiz ang isang artista, gugustuhin na nitong kontrolado na ang content.

“Kaya minsan, nagra-write na ang artista o nagdidirek. Parang ako, gusto ko kontraladong-kontralado ko na ‘yung ginagawa ko, kung anuman ang gagawin ko. Kasi ‘yun na ‘yun. We’re already known as our last film, eh,” he said.

Kaya nga raw tinanggap niya ang Hapi ang Buhay, The Musical dahil parang breath of fresh air ito sa kanya pagkatapos niyang gawin ang napakabigat na BuyBust.

“It was very light, it was very uplifting, nakaka-relax, parang nakaka-recharge,” sey pa ni Victor

Ang Hapi ang Buhay ay isang TV series na napapanood sa Net 25 at ngayon ay ginawang full length musical movie ng EBC Films na sinulat at idinirihe Carlo Ortega Cuevas who won the Best Director in Foreign Language for the film Walang Take Two at the International Filmmaker Festival of World Cinema in London, Best Newcomer Filmmaker of the Year at The World Awards in Jakarta, Indonesia. Ang huli niyang pelikula na Guerrero ay nanalong Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival 2018 and Best Editing in a Foreign Language Film at the Madrid International Film Festival 2018.

Kasama ni Victor bilang mga bida rin sa Hapi ang Buhay The Musical sina Antonio Aquitania at Mike Magat.

 

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with