^

Pang Movies

Regine inaawitan ng mga anak na mag-boyfriend

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Regine inaawitan ng mga anak na mag-boyfriend
Regine

Dalawang babae ang na­ging bunga ng marriage ni Regine Tolentino kay Lander Vera Perez.

 

Sa kasamaang palad, hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama. Humantong sila sa hiwalayan two years ago at ngayon ay hinihintay na lamang ng Dance Diva ang resulta sa hinihiling niyang annulment sa korte.

Dalaga na ang mga anak niyang sina Reign at Reigen at nasaksihan nila ang pag-iisa  ng kanilang ina  sa pagpupunyagi para mabigyan sila ng magandang buhay kung kaya hangad nila ay makatagpo ito ng isang lalaking makakapag-paligaya sa kanya. Sa kasamaang palad ay mahihirapan si Regine na matagpuan ang lalaking mamahalin niyang muli dahil ayaw na  niya  ng taga-showbiz pero, paano niya mahahanap ito kung ang lahat ng gawain niya ay nagaganap sa mundo ng aliwan.

Kailangang magiba muna siya ng mundo pero ito ay hindi ipinahihintulot ng napakarami niyang gawain na aabot ng marami pang taon.

Itinutulak pa naman ng dalawa niyang dalaga ang isa pinakamagaling na dancer ng bansa na bigyan puwang naman ang kanyang puso. Bukod sa kanyang pagsasayaw ay luminya na rin si Regine sa paggawa ng recording at dance album na nakatanggap ng pagkilala sa nakaraang Star Awards for Music. Isang single pa ang ipagagawa sa kanya ng Viva na magpapatibay pa sa kanya bilang recording artist.

Inamin ng 39 years old mom and dancer na may mga nagpaparamdam naman sa kanya pero, hindi niya sila maharap ng mabuti dahil nga sa kawalan  niya ng oras. 

Sa buwan ng October ay ipagdiriwang ang Oscars ng mga fitness educators, instructors at enthusiasts. Magaganap ang Zstar Ball IV, The Greatest Show sa Crowne Plaza Galleria.

Idaraos din ang Mr. & Miss Dance Fitness Philippines. Labindalawang outstanding licensed dance professionals ang maglalaban. For tickets reservation tumawag lamang sa 091797953992749838 at 7266669.Paghahandaan din niyang ibalik ang dance show sa TV ni Cong. Lucy Torres-Gomez sa pamamagitan ng isang malaking dance concert.

Surfer mabenta sa mga artista 

Obvious na attracted ang marami nating mga artista sa mga surfers. Sila ‘yung mga maskuladong mga lalaki na nangingitim na sa masyadong pagkababad sa araw at dagat. Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sa isang babae na gumagawa ng sports na panglalaki? 

Una nang nabalitaan ang surfer na ipinalit ni Jasmine Curtis Smith kay Sam Concepcion na si Jeff Ortega. Bukod sa pagiging isang surfer at pagkakaro’n ng negosyo na may kinalaman sa surfing, mula rin ang bf ng kapatid ni Anne Curtis sa isang angkan ng mga pulitiko.

Walang update sa sinasabing panliligaw ni Zanjoe Marudo sa magandang surfer from Siargao pero si Glaiza de Castro ay itinanggi ang relasyon sa isa ring surfer. Focus daw muna siya sa karera niya at sa gagawin niyang pag-aaral sa London. 

vuukle comment

REGINE TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with