Claudine & Ate Vi
Ate Vi nanghihinayang kay Claudine
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 22, 2018 - 12:00am

Happy si Congresswoman Vilma Santos nang makita niya kamakailan lang si Claudine Barretto. Si Claudine, na isang self confessed Vilmanian ay nakasama ni Ate Vi sa pelikulang Anak ilang taon na rin naman ang nakakaraan. Bagets pa si Claudine noon, at ngayon restored na nga ang kanilang lumang pelikula.

 

Usual naman kay Ate Vi na kapag may nakikita siyang mga artistang nakasama niya noong araw ay binibigyan niya ang mga ito ng advice, na tinatanggap naman nila dahil kita naman nila ang pruweba na hanggang ngayon sikat pa rin si Rep. Vi. Siya nga lang ang talagang walang panahong gumawa ng pelikula. Nakatambak na nga ang offer sa kanya, ang daming nakababad na scripts na hindi pa niya nababasa. May offer din naman sa kanya sa telebisyon, na hindi pa niya matanggap talaga pero gusto niyang gawin.

Nagkakasakit na nga si Ate Vi sa rami ng trabaho eh, kaya hindi na siya makapagdagdag pa ng kanyang gagawin. Lagi na lang niyang sinasabi, “alam naman ninyo 37 years old na ako”.

Sa kaso naman ni Claudine, lately ay kumakalat ang isang malungkot na balita na iyon daw kanyang matagal nang hinihintay na comeback movie ay hindi na naman matutuloy. Mara­ming sinasabing dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang pelikula, pero hanggang walang opisyal na statement tungkol doon ay ’wag na muna nating pakialaman.

Pero ang sinasabi nga ni Ate Vi, nakasama na niya si Claudine at alam niyang isang magaling na artista iyon at nanghihinayang naman siya kung hindi nga mabibigyan ulit ng break.

“Ang kailangan lang naman ni Claudine pagtiwalaan nila ulit at palagay ko kaya niya. Magaling umarte iyang batang iyan,” sabi pa ni Ate Vi.

Mocha pwedeng balikan na lang ang pagsasayaw

Marami na nga ang hindi nagkagusto sa ginawa ni Mocha Uson at ng kanyang alalay sa kanyang social media show tungkol sa ginawa nilang katatawanan ang sign language. Nag-apologize na si Mocha, ganoon din naman ang kanyang kasama, pero iginigiit ngayon ng mga kritiko nila na kung tatanggapin na lang ang kanilang apology at walang kaparusahan, baka mawili sila at gayahin ng iba.

Nauna rito, naging kontrobersiyal na rin ang pareha dahil sa kanilang ginawang vi­deo ng pederalismo na hindi rin nagustuhan maging ng maraming opisyal ng administrasyon. Ipinagtanggol lang siya ni Presidente Digong Duterte at sinabing bahagi iyon ng “freedom of expression” kaya tumahimik na ang iba. Pero ngayon ay mukhang iba na ang tono. Sinasabi kasi ng Malacañang na dahil may iniharap na ngang kaso laban kay Mocha sa Ombudsman, kung ano man ang magiging desisyon ng korte ay susunod ang Malacañang.

Kung sa bagay, puwede namang bumalik sa sing and dance si Mocha.

Aktor mas wild sa bagong scandal

May bago na namang kumakalat na video scandal ang isang male star. Ikinaila niya ang nauna niyang scandal, pero napilitan din siyang umamin nang kumalat na iyon. Ngayon ano naman kaya ang sasabihin niya kung kakalat na naman ang kanyang second video?

Sabi ng aming source, mas matindi pa raw ang kanyang bagong scandal video kaysa roon sa naunang kumalat.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with