^

Pang Movies

Lipstick shade ni Maine pila-balde ang reservation

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lipstick shade ni Maine pila-balde ang reservation
Maine Mendoza

Pila-balde na ang reservation para sa inilabas na lipstick shade ni Maine Mendoza kahapon. Ayon sa ilang netizens na gustong magkaroon agad ng lippie shade, umabot sa mahigit 5K plus ang reservation kada store kahit mahigit P1000 plus ang halaga nito, huh!

Viral nga sa social media ang launch ng lipstick na collaboration niya with global brand Mac Cosmetics.  Siya rin ang nag-design ng kiss-print packaging nito. Ang shade name nito ay @mainedcm at tinagurian siyang MacMaker.

Ayon sa Instagram post ni Meng, “Opted for a nude shade with matte finish that would work well n a variety of skin tones.”

Gusto ng Phenomenal Star na ang shade niya ang maging universal nude lipstick dahil puwede itong gamiting mula casual hanggang pormal at sa kahit anong okasyon.

Ilan nga sa celebs na nagustuhan ang kulay ng lipstick ay sina Solenn Heussaff, Maxene Magalona, Dominique Cojuangco and yes, Allan K.

Mabibili ang muted peachy beige lippie sa Lazada ngayong September 21; sa Sept. 22 sa SM Megamall at sa lahat ng MAC stores nationwide sa September 23.

Sa pangyayaring ito kay Maine, markado na ang pangalan niya bilang unang Pinay na magkaroon ng collaboration ng global brand ng isang lipstick shade, huh!

Glaiza surfer mula sa Ireland ang manliligaw

Foreigner mula sa Ireland ang umaaligid ngayon sa Kapuso artist na si Glaiza de Castro. David ang pangalan, isang surfer at nagkakilala niya sa Siargao.

Pero itinanggi ni Glaiza na nagkakamabutihan na sila ni David. Ayon sa aktres sa interview sa 24 Oras, wala pa sa level na ‘yon ang friendship nila, huh!

Sa pag-alis ni Glaiza patungong London para mag-aral ng music production, may chance raw silang magkita roon ni David dahil nasa London din ang kapatid niyang babae roon.

Malapit na palang mapanood ang Cinemalaya 2018 movie ni Glaiza, ang Liway, sa commercial cinemas at ito ay distributed ng Quantum Films.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with