^

Pang Movies

Angelica laging luhaan sa mga lalaki

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Angelica laging luhaan sa mga lalaki
Angelica Panganiban

Is love a choice?

Ito raw ang paulit-ulit na itinatanong ni Angelica Panganiban, since ito raw ang theme ng kanilang bagong serye ni Zanjoe Marudo, ang Playhouse.

She and Zanjoe both play characters sa series, na na-in love at nasaktan pero ginagawan nila ng pa­raan para malaman kung dapat ba silang ma-in love again.

Since nag-start ng kanyang showbiz career si Angelica as a child actress, somehow nasubayba­yan natin ang kanyang buhay pag-ibig in real-life. Kung sinu-sino ang mga lalaking na-link sa kanya na nagkataong pawang mga nasa showbiz at kung paano rin niya naranasan ang pagkabigo.

Right now, Angelica swears na loveless daw siya.

Samantala, si Zanjoe naman, open book naman na ang pagiging sweethearts nila ni Bea Alonzo noon at kung ilang taon ding nagtagal ang kanilang relasyon.

Only for them to bid each other goodbye, for a reason na they would rather not reveal.

Right now, may bago nang mahal si Bea, ang rumored boyfriend niyang si Gerald Anderson. Habang si Zanjoe naman ay maaari na ring magka-girlfriend any time soon.

Kisses at Donny mas angat sa ibang millennial loveteam

Ang bagong love team nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan ang mas nakakaangat sa ibang millennial loveteams sa serye nilang Playhouse.

The two, after all, look good together at parehong marunong umarte.

Ayon sa direktor nilang si Jeffrey Jeturian, maganda pareho ang registration nila sa small screen, nag-agree naman dito ang aming assistant na si Grace Amparo, na napanood ang first three episodes ng Playhouse.

Kasama rin sa cast sina Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariel Arida, Dexter Doria, Maxene Magalona, Malou de Guzman and Nadia Montenegro.

Alex may nilinaw tungkol kay Kean

Samantala, of Kean, sinabi na ni Alex Gonzaga finally na walang seryosong relasyong namagitan ever sa kanila.

Si Alex ngayon ay in love with non-showbiz Mikee Morada, at kung bakit niya ito pinaliwanag sa amin? Sa amin na lang iyon.

Of Kean and Alex, pawang mga miyembro sila ng Singvestigator team na napapanood tuwing Saturday and Sunday sa musical game show na I Can See Your Voice, kung saan si Luis Manzano ang host.

Si Kean ay happily married na sa Kapuso actress na si Chynna Ortaleza with whom he has a two year-old daughter, Stellar.

Phillip at Tirso umekstra sa Tres

Maliban kay Albert Martinez who plays the main kontrabida sa episode ng action-packed trilogy na Tres, titled 72 Hours na pinagbibidahan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, two icons ang kasama pa sa movie niya. Ito ay sina Phillip Salvador at Tirso Cruz III.

“Really,” ani Vice Jolo, “I cannot thank them enough, Featured roles lang both ang ginagampanan nina Tito Ipe (Phillip) at Tito Pip (Tirso).

“Yet, walang pag-a-atubiling pumayag silang sumama sa 72 Hours,” ani Vice Jolo.

“Salamat din, of course, sa mama ko (referring to Bacoor City Mayor Lani Mercado), who plays my Mom. And most of all, kay Lovi Poe na busy man siya with her schedules, pumayag ding lumabas sa movie.”

Ipapalabas na ang Tres sa October 3, kasama ni Jolo rito ang kanyang mga kapatid na sina Bryan at Luigi na pareho ring may sariling episode sa nasabing pelikula.

Bryan’s episode, Virgo, is directed by Richard Somes. Featured as his co-stars are Joey Marquez at Carla Humphries.

Habang ang episode naman ni Luigi ay Amats with Dondon Santos, who also directs 72 Hours ni Jolo.

Tres is produced by the Revilla’s owned film firm, Imus Productions.

Personal…

Birthday today ni Chit Ramos, September 20. Kahapon naman ay birthday ng entertainment colleagues natin Salve A., sina Dondon Sermino at Jun Nardo sa 25.

To all three of them, many happy returns of the day. (Happy birthday tita Chit, Dondon and Jun. – Salve A.)

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with