^

Pang Movies

Yassi perfect BF ang tingin kay Coco, walang alam sa selos ni Julia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yassi perfect BF ang tingin kay Coco, walang alam sa selos ni Julia
Yassi Pressman

Ayon kay Yassi Pressman, narinig na nga raw niya ang tsimis na nagselos daw sa kanya si Julia Montes na sinasabing real girlfriend ni Coco Martin dahil nga parati silang nali-link since magkasama sila sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Narinig ko rin po yata ‘yun, pero wala naman po,” sey ni Yassi nang makausap namin sa presscon ng bago niyang movie under Viva Films na Para sa Broken Hearted.

When asked kung nagkita na ba sila ni Julia, isang maikling “hindi pa po” ang sagot niya.

Diretso rin niyang sinagot ang tanong kung nanligaw ba talaga sa kanya si Coco at aniya ay hindi talaga.

Tawa na lang ang isinagot niya nang tanungin kung may chance ba si Coco sakaling manligaw sa kanya.

“Grabe naman po ‘yang mga tanong ninyo,” sambit niya.

Iniba na lang ang tanong ay pina-rate na lang sa kanya si Coco as a person in a scale of 1-10.

“Nasa 9-10 talaga si Coco,” sagot niya.

How would she rate him as a boyfriend material?

“Kahit hindi po ako ang tanungin n’yo, kahit sino pa pong tanungin n’yo, lahat ng qualities na maganda, meron din si Coco,” sagot ni Yassi.

Dahil nga ang title ng movie ay Para sa Broken Hearted, natanong din ang aktres kung na-broken heart na siya at aniya ay oo naman.

Paano niya na-handle ang sitwasyon na ‘yun?

“Na-realize ko po na kailangang umiyak, na kailangan mong ilabas ‘yung nararamdaman mo kasi the more na i-deny mo ‘yung sakit, mas mahihirapan ka rin na magtago na nu’n, okay na, tapos mag-move forward.”

Matagal din daw siya mag-move on at minsan daw, akala niya ay okay na siya pero hindi pa rin daw pala.

Showing na sa October 3 ang Para sa Broken Hearted at kasama rin dito sina Sam Concepcion, Louise delos Reyes, Marco Gumabao at Shy Carlos.

Dingdong ayaw pa ring tantanan sa isyu ng pagse-senador

Kahit itinanggi na nga ni Dingdong Dantes ang balitang tatakbo siyang Senador sa 2019 elections, ayaw pa rin siyang tantanan ng tsimis at ang suspetsa naman ngayon, hindi nga Senador ang tatakbuhin niya at ibang posisyon.

Well, tutal naman ay sa October 1 na ang filing of candidacy, hintayin na lang natin kung magpa-file si Dingdong.

Pero ang masasabi lang namin, if ever nga na tatakbo ang aktor sa kahit anong posisyon, ang laki ng tsansa na manalo siya dahil isa siya sa mga artistang pwedeng pwede talagang magsilbi sa bayan.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with