^

Pang Movies

Lani anak ang turing kay Luigi!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Lani anak ang turing kay Luigi!
Luigi Revilla

Kung titingnan mo lang si Luigi Revilla, sasabihin mong mukha siyang matinee idol. Mukhang teenager pa rin kasi. Pero malakas ang loob niya na aminin na 26 na siya, may asawa na at may isang anak na lalaki. Black belter pala siya at mahilig talaga sa mixed martial arts na sinasabi niyang siguro ay advantage niya ngayong siya ay isa na ngang action star sa pelikula nilang Tres.

Anak siya ng action superstar na si Bong Revilla Jr., at siyempre apo ng legend na ring si Ramon Revilla Sr., at iyon ay nakikita rin ni Luigi na isang malaking advantage sa kanya. Inamin din niyang hindi si Mayor Lani Mercado ang nanay niya, pero kinuwento niyang maganda ang pakikitungo sa kanya ni Lani at hindi siya itinuring na ibang tao, maging ng kanyang mga kapatid na sina Jolo Revilla at Bryan Revilla.

Mapapa-angat ka sa pagkakaupo sa mga sagot niya. Talagang diretso siya kung magsalita at nagsasabi nang totoo, na hindi karaniwan sa mga artista. Ang mga artista laging may cover up, iba si Luigi, sinasabi niya kung ano talaga ang totoo.

Siguro nga, ngayong artista na siya ay magkakaroon ng pagbabago  sa kanyang buhay. Iba siyempre pag artista. Pero ang paniwala namin, si Luigi, sa nakita naming honesty niya, hindi maaapektuhan ng showbiz.

Mukhang siya rin ang faithful sa kanyang pamilya. Sa simula pa lang kasi ipinakikita na niya ang concern sa asawa’t anak niya. Puwede naman sana niyang itago at baka maging advantage rin niya sa kanyang career. Pero hindi niya ginawa ang ganun. Naniniwala naman kasi siya na nasa tamang edad na siya at alam niya kung ano ang pinapasok niya nang mag-asawa siya.

Sinabi pa nga niyang nagpakasal muna sila ng kanyang misis bago iyon nabuntis.

Responsableng bata iyan na dapat pamarisan.

Marco kailangang magpa-sexy para mas sumikat

Mukhang nagsisimula nang dumating ang suwerte kay Marco Gumabao.

Ngayon ay may pelikula siya sa kanyang home studio, iyong Para sa Broken Hearted na hango sa libro ni Marcelo Santos III. Kasabay noon ay may serye rin siya sa telebisyon. Dapat din mapansin natin na isa siya sa mga frontliner sa mga endorser ng isang garment company.

Hindi na baguhan si Marco, pero mukhang ngayon lang napapansin ang kanyang potentials bilang isang actor. Mukhang ngayon nga lang din nila napapansin na maaari siyang pumasa bilang isang matinee idol. Pero nagsasabi na kung ‘yang si Marco ay magpapa-sexy lang sa kanyang mga pelikula, baka mas lalo pa siyang sumikat.

Sa ngayon mahirap nang pasukin ang pa-tweetums. Nakuha na ni Daniel Padilla ang buong market, pero kung magiging mas sexy ang kanyang dating, aba eh malaki ang advantage ni Marco.

Aktor naiirita sa pagkuha ng bagong leading man ng kanilang network

Mukhang pabulong lang pero nagsisimula nang umangal ang aktor sa isang network dahil kumuha na naman daw ng isang bagong leading men para sa kanilang mga serye ganoong silang mga datihan na sa network ay ni hindi mabigyan ng trabaho. Pero masisisi ba naman ninyo ang network lalo na’t hindi naman nagre-rate ang mga serye na sila ang bida?

Natural lang para sa network na maghanap ng mga bagong artista na makakabatak ng ratings para sa kanila. Kung walang ratings, wala ring commercials. Papaano naman silang mabubuhay?

vuukle comment

LUIGI REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with