^

Pang Movies

Fil-Am actor na si Joshua dela Cruz, bagong host ng Nickelodeon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Fil-Am actor na si Joshua dela Cruz, bagong host ng Nickelodeon
Joshua dela Cruz

Ang Fil-American Broadway actor na si Joshua dela Cruz ang napiling bagong host sa pag-reboot ng iconic Nickelodeon children’s show na Blue’s Clues. Ang bagong title na nito ay Blue’s Clues & You.

Ang original host nito na si Steve Burns ang isa sa tumulong na piliin ang kanyang successor sa naganap na audition.

Naging number one Nickelodeon show ang Blue’s Clues noong una itong umere noong 1996 hanggang 2002.

Kuwento ni Joshua, bata pa lang daw siya ay pinapanood na niya ang Blue’s Clues. Hindi niya inakala na balang-araw ay siya ang mapipili bilang bagong host ng show. Na-starstruck daw siya noong ma-meet niya ng personal si Steve Burns.

Nagbigay naman daw ng tips si Steve sa bagong host ng Blue’s Clues. Sobrang nagpasalamat si Josh para rito.

Isang Broadway actor si Joshua dela Cruz na nakasama sa original Broadway cast of Disney’s Aladdin.

Dating first prince sa StarStruck 2 doktor na, daddy na rin

Certified daddy na ang StarStruck 2 First Prince na si CJ Muere.

Pinanganak ng kanyang misis na si Patricia Vargas-Muere noong nakaraang September 18 ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Lucas.

Taong 2007 noong talikuran ni CJ ang showbiz para tapusin ang kanyang pag-aaral. Dr. Caesar Joseph Muere na siya ngayon dahil natapos niya ang kanyang dentistry course sa Centro Escolar University at may sarili na itong dental clinic sa Laguna at sa Pampanga. Isa rin siyang licensed orthodontist.

Ang kanyang misis na si Patricia Vargas ay isa namang pediatric dentist.

Mga ka-batch ni CJ na aktibo pa rin sa showbiz ay sina Ryza Cenon, Mike Tan, LJ Reyes, Megan Young at Kevin Santos.

vuukle comment

JOSHUA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with