^

Pang Movies

Bryan ayaw pag-usapan ang something nila ni Carla

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Bryan ayaw pag-usapan ang something nila ni Carla
Carla Humphries

Excited si Bryan Revilla na makatrabaho si Joey Marquez sa episode niyang Virgo sa action-trilogy nilang Tres na pinagbibidahan din ng mga kapatid niyang sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Luigi Revilla.

“I’m his fan,” susog pa ni Bryan. “Kaya, when I learned that he would play bilang adopted father in Virgo, tuwang-tuwa ako.

“Actually, magaling siya di lang bilang comedian but as an actor in the true sense of the word.”

May mga maaaksyong scenes din si Joey sa nasabing episode.

Samantala, ang Virgo raw ang nagsisilbing comeback film ng kanyang leading lady na si Carla Humphries.

“Well, dito sa Virgo,” may himig pagmamalaking saad ni Bryan. “Magiging in demand muli bilang leading lady si Carla.”

Asked if nagkaroon ba ng something sa pagitan nila ni Carla habang ginagawa ang Vigro, Bryan chose to keep quiet.

Basta, ayon sa kanya, naka-focus siya sa kanyang showbiz career. After Tres kasi may kinu-cook up siyang movie project na ibang genre naman, with him as the lead actor.

Hindi pa tiyak ni Bryan kung sino ang magdi-direk ng bagong movie niyang ito. At kung sino ang kanyang magiging leading lady.

Of Virgo ng Tres, si Richard Somes ang direktor nito.

Direk Richard’s last directorial job was the Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 entry, We Will Not Die Tonight, which was as action movie na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Zanjoe ayaw sirain ang relasyon kay Angelica

Hindi raw mahirap mahalin si Angelica Panganiban ayon kay Zanjoe Marudo, lalo raw ngayong nakilala pa niya ng husto ang dalaga, since they are teamed up sa bagong serye tuwing umaga ng ABS-CBN, ang Playhouse.

Napakabait daw nito. Maasikaso at higit sa lahat, napaka-hard working.

But right now daw, wala siyang balak ligawan si Angelica. Gusto raw kasi niyang ma-maintain ang friendship nila for as long as they both can.

Nag-agree naman sina Nadia Montenegro at Smokey Manoloto na kanilang co-stars sa nasabing serye, mahirap daw makahanap ng mabuti at mabait na kaibigan, kesa isang mamahalin.

Tanong lang, specially kay Smokey. Is this the reason why at 40 ay single pa rin siya?

Samantala, nasa cast din ng Playhouse sina Denise Laurel, Kean Cipriano, Ariela Ariza at ang bagong magka-loveteam na sina Kisses Delavin at Donny Pangilinan.

Featured bilang anak ni Denise ang seven year-old na child actor na si Justin James, ipina-ampon ni Denise kina Angelica at Zanjoe ang bata nang ma-aksidente siya.

In real life, Denise also has a seven years-old son sa isang Italian-American, pero sila ngayon ay kaput na.

Did we hear it right that wedding bells will soon ring for Denise and PBA (Philippine Basketball Association) player Sol Mercado?

Denise belongs to the famous and prominent Laurel family of Batangas. Lolo niya ang dating Vice President ng Pilipinas na si Salvador Laurel.

Bong mas nauna kay Rhian

Don’t look now, but before raw naka-team up ni Cavite Vice Governor Jolo si Rhian Ramos sa episode niyang 72 Hours sa trilogy nilang Tres, nauna nang nakatambal ni Rhian ang Dad ni Vice Jolo na si former Senator Bong Revilla sa Ang Panday noong 2009.

Rhian talks highly of both Vice Jolo and his Dad.

vuukle comment

CARLA HUMPHRIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with