^

Pang Movies

Pia mas na-maintain ang katawan kesa sa relasyon nila ni Marlon

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pia mas na-maintain ang katawan kesa sa relasyon nila ni Marlon
Pia Wurtzbach

Napansin mo ba, Ateng Salve, parang hindi na masyadong pinag-uusapan ang relasyong Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger na napabalitang tapos na raw.

Actually, kung noon ay maraming nagtatanong kung sila pa ba o hindi na, lately naman, parang hindi na masyadong interesado ang karamihan kung magkarelasyon pa ba sila o hindi na nga.

Anyway, kamakakailan ay nag-post si Pia sa kanyang Instagram account ng picture niya na naka-two-piece.

In fairness, maintain na maintain niya ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Mas name-maintain niya ‘yon kesa sa relasyon nila ni Marlon?

Well…

‘It Girls’ nag-pictorial, Ruffa nakipag­daldalan

Habang nagpi-pictorial si Ruffa Gutierrez noong isang araw para sa endorserment niya sa Avon (10 years na siya sa kanila), nagpi-pictorial naman sa kabilang studio ang It Girls na sina Solenn Heussaff, Isabel Diaz, Liz Uy at Georgina Wilson, kaya dinalaw niya ang mga ito.

Kuwento ni Ruffa, kasama raw ni Isabelle ang anak na si Balty at cute na cute siya rito.

This weekend nga raw ay napagkasunduan nila ni Isabelle na lalabas sila kasama niya ang mga anak na sina Lorin at Venice, pati ang kapatid niyang si Raymond Gutierrez.

Nag-enjoy nga raw lalo si Ruffa sa kanyang pictorial dahil sa It Girls!

May idea si Ruffa kung para saan ang pictorial ng It Girls, pero bawal daw sabihin dahil hindi pa ‘yon iniri-reveal ng apat!

“I don’t wanna be madaldal!” sey ni Ruffa.

Sarah todo papayat na!

Wow, panay na naman ang exercise ni Sarah Lahbati. Madalas nga siya sa isang gym sa isang hotel sa may BGC (Bonifacio Global City) at marami ang nagkokomentong ang laki na ng ipinayat niya simula nang ipanganak niya si Baby Kai.

Bale six-month old na si Baby Kai sa Friday.

Mukhang ang ABS-CBN Ball ang pinaghahandaan ni Sarah, kaya panay na naman ang gym niya, huh!

Tiyak na aabangan ang isusuot ni Sarah sa nabanggit na ball ng Kapamil­ya network.      

Juliana pinaghahandaan ang ABS-CBN Ball

Bongga dahil pati ang first winner ng Ms. Q&A ng It’s Showtime na si Juliana Parizcova Segovia ay pinaghahandaan din ang ABS-CBN Ball.

Yes, invited si Juliana sa event na ‘yon, huh!

Aba, istariray si Juliana dahil hindi naman daw lahat ng Kapamilya stars ay nakatanggap ng invitation sa nasabing event, ‘noh?!

Sobrang excited daw si Juliana nang matanggap ang kanyang imbitasyon para sa event na ‘yon, kaya ang sabi niya, itotodo na raw niya ang pagda-diet!

Pagbubuntis ni Nathalie inaasahang magbibigay ng suwerte sa Abay Babes

Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Abay Babes ng Viva Films!

Noong nag-premiere night ang pelikula, marami sa mga nanood ang nagsabing maganda at nakakaaliw ang pelikula.

Siyempre, obvious na si Cristine Reyes ang pinakabida sa pelikulang ‘yon ng Viva Films, huh!

Habang ginagawa nga pala ni Nathalie Hart ang Abay Babes ay saka niya na-discover na buntis siya.

Napansin nga raw ni Cristine sa isa sa mga shooting nila ang kanyang pagbubuntis, kaya tinanong pa nga siya ng sexy actress.

Anyway, sana ay kumita ang Abay Babes at sana ay si Nathalie ang magdala ng suwerte sa pelikula dahil suwerte raw ang mga buntis, ‘di ba?!

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with