^

Pang Movies

Mga bagong pelikula apektado pa rin sa The Hows…

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga bagong pelikula apektado pa rin sa The Hows�

Salamat na nga lang at hindi naman talagang binayo ni Ompong ang Metro Manila. Mas malala sa nangyari ang inaasahan natin. Preparado na nga ang mga sinehan na mas mahina ang magiging kita nila. Mas naghanda na nga ang may mga show at concert sa posibleng pag-flop nila. Alam naman kasi ninyo na ang bagyo, may after effect kahit nakaalis na.

Ngayon, masaya na nga ang mga bagong pelikulang magbubukas, kagaya ng Trigonal ni Monsour del Rosario, kasi ‘yan ang isa sa mga unang totoong action movies na matagal nang hindi ginagawa. Matagal na nga silang hindi gumagawa ng action films kasi mas mahal ang production cost. Iyon lamang mga blasting at bala kung may barilan, aba talagang malaki ang halaga, kaya iniiwasan ang action films kahit na marami ang naghahanap noon.

Kaya ok ang timing nina Mon, at nagawa lang naman nila iyan dahil may foreign distribution ang kanilang pelikula. Maski na nga sa Cannes, nakasama sila sa trade festival.

Pero ang ibang projects, parang nakakatakot, lalo na ang mga ilalabas hanggang sa mga susunod na linggo. Hindi na ang lupit ng bagyong Ompong ang kalaban nila, kung di ang pelikula ni Daniel Padilla na hanggang ngayon humahakot pa rin ng pera. Ayon sa huling report, nakahakot na ito nang mahigit na 600 milyong piso. Mahirap isipin kung saan nanggaling ang lahat ng perang iyon, pero iisa ang kahulugan nito, apektado ang kita ng lahat ng mga pelikulang kasunod noon. Kaya kumita nang ganun, marami ang nanood ng paulit-ulit, at maraming hindi na karaniwang nanonood ng sine ang nakumbinsing manood.

Ang epekto niyan, tatagal ng mga isang buwan at tiyak na apektado ang lahat ng mga kasunod na pelikula.

Pag-atras ni Dingdong sa pagse-senador pinaboran

Tuwiran nang sinabi ni Dingdong Dantes sa isang internet post na hindi siya tatakbong senador. Iyon ay sabi lang naman niya, at maaaring pagdating ng araw ay sabihin naman niyang “napilitan lang ako”. Pero kung totoo man na hindi siya tatakbong senador, isa lang ang masasabi namin diyan. Mabuti naman at naisip niya hanggang maaga na huwag na lang.

Hindi sa minamaliit namin si Dingdong, pero ang trabaho ng senador ay iba. Ok lang ang mayor, o kahit na governor pa kasi administrative. Iyong senador, legislative ang function at kailangan ang isang senador na may kaalaman sa batas, lalo na nga ang may karanasan na.

May mga senador na kagaya ni Tito Sotto, pero bago iyan ay siyam na taon siyang vice mayor, ibig sabihin siya ang namuno sa sangguniang panlunsod na siyang gumagawa ng batas para sa kanila. Nagkaroon muna siya ng experience sa paggawa ng batas. Kung talagang wala, huwag naman.

Mga pelikulang ‘ST’ mgA nagkalat na sex video sa internet ang makakalaban

Balak daw nilang ibalik ang mga pelikulang ST o Sex Trip. Palagay namin hindi rin kikita iyan. Hindi naman nila mapapantayan ang mga gimmick ni Robbie Tan noong araw sa mga artista niya.

Isa pa, hindi na uubra ang ST dahil may mga nagawa nang mas malala pa riyan, at ang daming sex video sa social media.

Sino pa ang papansin sa mga pelikulang ST? Ang dami ring indie na nagpapakita ng halos totohanan nang sex, para ngang “toro-toro” na, hindi pa rin kumikita.

Sayang lang kung ibabalik nila ang ST na iyan.

vuukle comment

THE HOWS OF US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with