^

Pang Movies

Luigi ibinuko ang pagiging ladies man ni Bryan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Luigi ibinuko ang pagiging ladies man ni Bryan
Bryan Revilla

Lagot si Luigi Revilla sa kuya niyang si Bryan Revilla dahil ibinuking nito sa solo interview niya para i-promote ang Amats episode ng action trilogy na Tres na sa kanilang tatlo ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, si Bryan ang ladies man. Marami raw ang naging GF ni Bryan at puro magaganda.

Pero nang sabihin ng press na magbanggit siya ng pangalan, tumahimik si Luigi. Naalala naming sa solo interview naman ni Bryan, nabanggit si Maui Taylor na naging ex-GF niya, pero ngumiti lang si Bryan.

Sa ngayon, “single” ang status ni Bryan, naghahanap pa raw siya ng babaeng mamahalin. Wala pa rin siyang time sa love life at sa promo ng Tres na showing sa October 3 siya nakatuon.

Sanya nanganganib layasan ng mga batang fans

Ni-launch na ng Regal Entertainment ang full trailer ng sexy movie nilang Wild and Free tampok sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez. Dahil sa mga maiinit na eksena, gusto nang nakapanood ng trailer na mapanood na ang movie na showing sa October 10.

Bukod sa kissing scene, may eksena pang parang nakahubad si Sanya kaharap si Derrick. Gustong malaman ng netizens kung totoong hubo’t hubad si Sanya nang kunan ang nasabing eksena.

May fans naman si Sanya na nagulat at nalungkot na sa first movie nito dahil sexy agad ang role. Umaasa ang fans nito na kahit nagpaseksi si Sanya, hindi pa rin mawala ang mga batang fans nito.

Maraming batang fans si Sanya mula nang gawin ang Encantadia kung saan siya gumanap bilang isa sa mga Sanggre.

Vic, Maine at Wally sisimulan na ang sitcom

Nag-first taping day na ang sitcom na pagsasamahan nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Wally Bayola na may tentative title na Daddy’s Girl. Si Chris Martinez ang director ng sitcom na naging director ni Vic sa 2017 MMFF entry kasama si Dawn Zulueta.

Dahil tentative title pa lang, ibig sabihin, posible pang mapalitan bago ang airing na hindi pa sinasabi, pero malamang na sa October na mapanood. Balik-sitcom dito si Vic after ng gag show nila ni AiAi delas Alas na Bossing & Ai.

Si Angelika dela Cruz pa lang ang nabanggit na kasama sa cast ng sitcom, ang iba pang bubuo ng cast, hintayin ang announcement. Sa GMA-7 mapapanood ang sitcom.

Paolo ‘di pa nakakapagpaalam sa dalawang anak

Baby girl ang ipinagbubuntis ni LJ Reyes at ipinaalam nila ito ni Paolo Contis sa gender reveal party na ginanap last Saturday. Ang taas ng talon ni LJ nang sa paghila sa string ng gold star, pink confetti ang lumabas na ibig sabihin, baby girl ang kanyang dinadala.

Sa taas ng talon ni LJ, natawa ang netizens dahil parang hindi raw siya buntis. Ang ganda ng mga ngiti ni Paolo at kita ang saya nang yakapin si LJ. Kita rin ang tuwa ni Aki na magkakaroon na siya ng baby sister.

Nabanggit na sa January 2019 ang kanyang due date and by now, nag-iisip na sila ni Paolo nang ipapangalan sa baby girl.

Puro babae ang anak ni Paolo, babae ang dalawa niyang anak kay Lianne Paz na malalaki na. Nabanggit ni Paolo na gusto niyang siya ang personal na magsabi sa dalawang anak na magkakaroon sila ng kapatid. Pupunta raw siya ng Cebu, pero mukhang hindi pa niya ito nagagawa.

vuukle comment

BRYAN REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with