^

Pang Movies

Marian naglabas ng tiyan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Paano kaya ‘yun at nagsayaw ng Budots si Marian sa Sunday Pinasaya noong Sunday at naglabas ng tiyan, ibig kayang sabihin noon, hindi siya buntis?

Wala pang sinasabi si Marian tungkol sa naglalabas issue na preggy na nga sia.

Sarah sasabak sa Musicfest sa Japan

Napanood namin ang video clip ni Sarah Geronimo na inaanyayahan ang mga kababayan natin sa Japan na panoorin siya ‘pag nag-perform siya sa Japan-ASEAN Music Festival na gaganapin sa NHK Hall, Tokyo sa Japan sa October 4.

Ibinalita rin ng Japanese Embassy dito sa atin na isa si Sarah sa magpi-perform.

“The Embassy of Japan, in cooperation with Viva Entertainment, Inc., are proud to announce that awards-winning Filipino singer Sarah Geronimo will be representing the Philippines in the 2018 Japan-ASEAN Music Festival to be held in Tokyo, Japan this coming October 4, 2018.”

Ang ganda basahin ng comments sa FB post na ito, hindi lang kino-congratulate si Sarah, may mga nagsasabi pa sa mga kababayan natin na suportahan si Sarah sa performance niya at hindi raw magsisisi ang mga pupunta sa airfare at hotel fare dahil magi­ging proud sila kay Sarah.

Resto ni AiAi sinugod ng mga kaibigan

Solid ang samahan ng mga taga-Sunday Pinasaya dahil ‘pag kailangan ng isa ang suporta ng mga kasama, nandoon sila. Muli itong napatunayan sa opening ng Asian Fusion Restaurant ni AiAi delas Alas na sa Ayala Mall Cloverleaf last Sunday.

After ng SPS, pumunta ang mga taga-SPS sa resto ni AiAi sa pangunguna nina Marian Rivera at Alden Richards. Sa nakita naming litrato, nasa isang table sila at sama-samang kumakain at nagtsitsikahan.

Ang wala lang ay sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara at sina Jose Manalo at Wally Bayola na may iba at nauna sigurong lakad. Natanong tuloy kung bakit magkaharap sa mesa sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Pati ang pagsasama sa isang mesa nina Alden at Julie Anne San Jose, isyu rin sa ibang fans. Nabanggit na ni Julie Anne na civil sila ni Alden at nagbabatian ‘pag nagkikita sa SPS.

Ang hindi maikakaila ay ang closeness ni Alden kay AiAi and in fact, isa si AiAi sa guest ni Alden sa September 21, Adrenaline Rush concert niya sa KIA Theater.

Guests din sina Regine Velasquez, Ex Battalion, One Upat Rodjun Cruz. May surprise guests pa raw, abangan na lang sila sa Friday.

Janine gustong baguhin sa VM

Marami ang galit at naiinis sa role at karakter ni Janine Gutierrez sa Victor Magtanggol bilang si Gwen dahil demanding ito sa oras ni Hammerman (Alden Richards), reklamador at hindi marunong magpasalamat sa mga tulong ni Hammerman sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ibig sabihin lang, effective at mahusay na aktres si Janine dahil successful siyang ipalabas ang galit ng viewers sa karakter niya.

Umaasa ang supporters ni Janine na may redeeming value ang karakter niya para ‘yung mga naiinis sa karakter niya ay mawala ang galit. May request sila sa writers ng Victor Magtanggol na ‘wag tuluyang gawing kontrabida ang karakter ni Janine.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with