Daniel
Doctorate degree ni Daniel fake ayon sa CHED!
Nitz Miralles (Pang-masa) - September 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi makapag-comment ang followers ni Daniel Matsunaga sa Instagram (IG) sa kanya at hindi rin makapam-bash ang bashers sa Brazilian actor sa ibinigay sa kanyang Doctorate Degree in Humanity Major in Social Work (Honoris Causa) dahil disable ang comment box ng IG ni Daniel.

Inalis ni Daniel ang comment box sa post niyang naka-toga siya at nagpapasalamat sa award na ibinigay sa kanya ng Brethen Evangelical School of Theology dahil nag-react ang The Commission on Higher Education (CHED).

Wala raw authority ang BEST na magbigay ng honoris causa dahil hindi nabigyan ang BEST ng government authority “to operate cannot grant hono­rary degrees to individual.” Wala raw sa record ng CHED na nag-apply to operate, kaya hindi siya recognized na Higher Education Institution (HEI) sa bansa.

Ang Brethen Evangelical School of Technology ay nasa Gapan, Nueva Ecija at siyang nagbigay ng Ph.D in Humanities, major in Social Work kay Daniel.

Wala pang sagot ang BEST sa in-issue na press release ng CHED.

Wedding gown ni Iza, si Rajo Laurel ang gagawa

Si Rajo Laurel ang nabasa naming gagawa ng wedding gown ni Iza Calzado sa wedding ng aktres sa December sa fiance nitong si Ben Wintle. Naalala namin, nakitang nasa isang boutique na gumagawa ng wedding gowns si Iza at naisip na doon ito bibili ng wedding gown.

Pero ang latest, si Rajo Laurel na ang ga­gawa ng wedding gown ni Iza para sa December wedding ng aktres. Ngayon pa lang, excited na ang supporters ng aktres na makitang naka-wedding gown si Iza at nagmamartsa patungong altar.

Hindi pa nag-announce kung kailan at kung saan ang wedding nina Iza at Ben. Ang sabi lang, sa December at kaya nasulat ang tungkol dito dahil nadulas si Ben. Sa isang interview, nasabi nito na sa December ang wedding nila ni Iza.

DANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with