^

Pero iwas na pag-usapan Gabby game pa rin kay Sharon!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 14, 2018 - 12:00am

Todo-iwas si Gabby Concepcion na pag-usapan ang ex-wife na si Sharon Cuneta kahapon sa last shooting day ng pelikula nila ni Jodi Sta. Maria na Man & Wife (formerly Gulong ng Palad) mula sa direksyon ni Laurice Guillen under Cineko Productions.

Everybody knows na marami pa ring issue sa kanila ni Sharon hanggang ngayon dahil na rin sa lagi pa rin siyang binabanggit ni Megastar sa tuwing magbabalik-tanaw siya.

Bukod dito, ‘yung hindi pagkakatuloy ng re­union film nila sa Star Cinema ay hindi pa rin niya nasasagot up to now.

Pero ani Gabby, mas maganda kung pag-usa­pan na lang daw namin ang pelikula nila dahil nakakahiya naman daw sa producer nila.

Pero alam naman niyang maraming sinasabi si Sharon, di ba?

“Well, that’s. . .ako no comment ako because in fairness, I’ve never said anything, di ba? And I don’t wanna start,” he said.

Marami ang nanghihinayang na hindi natuloy ang reunion movie nila at hanggang ngayon ay nire-request pa rin ito ng kanilang mga fans. Open pa rin ba siya sa possibility?

“Eversince, yes naman ‘yan, eh. Hindi ko naman binago, eh. Wala naman akong sinabi. Yes lang,” aniya.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa love life ngayon ng panganay niyang anak na si KC Concepcion na as we all know ay masayang-masaya ngayon sa piling ng French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart at ang hinala nga ng lahat ay malapit na itong magpakasal.

Ayon kay Gabby, hindi pa raw niya name-meet si Pierre pero mukhang mabait naman daw ito.

“Napansin ko nga sa Instagram, ‘ang anak ko, in-love, ah.’ Tapos, nag-text ako, ’yung anak ko, in-love. Send,” kuwento niya.

Ano sagot ni KC?

“Sa akin na lang ‘yun,” natatawa niyang sabi.

Siyempre, happy raw siya kapag happy ang mga anak niya. ‘Yun naman daw lagi ang kanyang hangad. Pero so far ay wala pa naman daw sinasabi sa kanya tungkol sa pagpapakasal pero ready naman daw siya if ever dahil of age na rin naman si KC.

Samantala, ang Man & Wife ay karugtong ng hit drama series na Gulong ng Palad noong 1977 na ginampanan nina Marian dela Riva at Ronald Corveau na later ay naging mag-asawa rin in real life.

Intended for Metro Manila Film Festival 2018 ang Man & Wife at umaaasa ang Cineko Productions na makapasok ito.

 

 

GABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with