Angelica kinilatis na ng nanay ni Carlo?!
Kumalat kahapon ang pagbisita ni Carlo Aquino at ng nanay niya sa bahay ni Angelica Panganiban.
Ang feeling ng mga nakakita ng photos, uy, serious level na ang dalawa na dati nang mag-syota.
Sa social media account ng nanay ni Carlo nakuha ng mga nagpadala ng photos ang bonding moments nila sa actress.
Wala pang sinasabi ang mag-ex kung nagkabalikan na ba sila o nasa process pa lang sila ng reconciliation.
Samantala, kung may pelikula sina Angelica at Carlo, meron din namang ibang katambal si Angelica sa bagong series na papalit Sana Dalawa ang Puso na napapanood bago mag-Showtime. Si Zanjoe Marudo ang leading man niya sa Playhouse na eere na sa ABS-CBN starting Monday.
- Latest