Michelle at anak
Michelle umaming napariwara sa America
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 13, 2018 - 12:00am

Naging open ang aktres na si Michelle Madrigal na dumaan siya sa maraming pagsubok sa Amerika bago siya naging isang mother at businesswoman.

Nagkaroon pa raw ng bisyo sa pag-inom ng alak si Michelle kaya lalo raw naging mabigat ang lahat sa kanya noong talikuran niya ang showbiz.

“Throwing it back to when I was working 2 jobs a day just to get by (Pay rent, food, mortgage in Manila, bills etc). I was only making $1,700 a month. I was broke, living paycheck to paycheck so I abused my body by turning to alcohol and partying to forget my problems. I was running away from them!” post pa niya sa Instagram.

Noong mabuntis daw siya sa anak nila ng boyfriend niyang si Troy Woolfolk, wala na raw siyang career sa Pilipinas at hirap siyang makahanap ng trabaho dahil wala siyang college degree.

Pero nagbago na raw lahat iyon dahil isa na siyang wellness coach sa Austin, Texas at maganda na ang takbo ng buhay niya.

“An amazing opportunity knocked on our door. It’s something that fits my lifestyle and the purpose I was longing for.

“I knew I’ve always wanted to help people (I  just didn’t know how), I knew I wanted to start my own business but I didn’t know where to start, I knew I wanted to be my own boss!

“Only few months into the game and already doubled my monthly salary when I was slaving away in the kitchen and the BEST part about it, I get to work anywhere in my own terms and around my daughter,” diin pa ni Michelle.

Kaya gusto ni Michelle na maging inspirasyon ang kuwento niya sa mga tulad niyang mother na nag-struggle financially, physically and emotionally.

Pelikula nina Lea at Eva sa Hollywood, tuloy na tuloy na

Confirmed na may gagawing movie musical ang dalawang Kim ng Miss Saigon na sina Lea Salonga at Eva Noblezada.

Ayon sa Hollywood bible na Variety, magsasama sina Eva at Lea sa musical na may title na Yellow Rose. Kuwento ito ng isang 17-year old Fil-American girl na nangangarap na maging isang sikat na country singer.

Makakasama pa nila sa musical na ito ang American country singer na si Dale Watson.

Ang magdidirek nito ay si Diane Paragas at makakasama pa sa movie ay sina Liam Booth, Gustavo Gomez, Libby Villari at Princess Punzalan.

Dahil siguro sa success ng Crazy Rich Asians, nauuso na sa Hollywood ang magkaroon ng diverse cast, particularly Asian, dahil may malaking market pala ang ganitong klaseng pelikula sa North America.

Si Lea Salonga ang original na Kim sa kauna-unahang pag-stage ng musical na Miss Saigon sa West End, London noong 1989 at sa Broadway noong 1992.

Si Eva naman ay gumanap na Kim sa muling pag-revive ng Miss Saigon on Broadway noong 2015.

MICHELLE MADRIGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with