Freddie
Basil, Imelda at Ka-Freddie naloka sa paghihintay
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - September 12, 2018 - 12:00am

Nakapanghihinayang at hindi na napanood ng live ni Freddie Aguilar ang malupit na rendition ni Jed Madella sa kanta niyang Anak bilang special tribute sa kanya. Kabilang kasi si Freddie sa paparangalan sana ng PMPC Star Awards for Music: A Decade of OPM Excellence nung Linggo ng gabi.

Nag-walk out si Ka-Freddie dahil tatlong oras na raw siyang naghihintay sa venue ng Newport Performing Arts, Resort World pero wala man lang daw kumausap sa kanya o nagbigay man lang ng program mula sa PMPC member.

Sinubukang habulin si Ka-Freddie pero hindi na ito nagpapigil pang umuwi.

Ganito rin ang himutok nina Basil Valdez at Imelda Papin na siyang mga kasabayan din ni Ka-Freddie sa nasabing gabi ng parangal. Mga senior citizen na nga naman sila kaya hindi na nila kaya pang magpuyat.

Mabuti na lang at napawi ang tensyong naganap dahil sa mga ginawang performances nina Kris Lawrence at Morisette Amon sa mga awiting Ngayon at Kailanman at Isang Linggong Pag-ibig.

Matagumpay naman na naidaos ang nasabing event kahit nagkaroon ng konting bulilyaso.

Hindi rin nagpahuli si Chinita Princess Kim Chiu at ang co-host nitong si Xian Lim, buhay na buhay ang gabi nang dahil sa kanila at sa iba pang audience.

 

FREDDIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with