^

Pang Movies

Carla mas pinili ni Bryan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Carla mas pinili ni Bryan
Carla

Humanga kay Bryan Revilla ang entertainment writers na nag-attend kahapon sa solo presscon ng Imus Productions para sa kanya dahil siya ang bida sa Virgo episode ng Tres, ang pelikula ng Imus Productions.

Bow ang showbiz press kay Bryan dahil sa kanyang mahusay na pagsagot sa lahat ng mga tanong. Kung hindi pa sinabi ni Bryan na kabadung-kabado ito, hindi malalaman ng mga reporter na ninenerbyos siya dahil first time niya na dumalo sa isang presscon makalipas ang matagal na panahon.

Naiintindihan ko ang kaba na nararamdaman ni Bryan dahil kahapon lamang siya nakaranas na magkaroon ng solo presscon na idea ng kanyang tatay na si Bong Revilla, Jr.

Graduate si Bryan ng De La Salle University at pinagsabay niya noon ang pag-aaral at pag-apir sa mga pelikula at television show ng GMA 7.

Tanggap ni Bryan na ang kanyang younger brother na si Jolo ang carbon copy ni Bong pero siya raw ang pinakaguwapo sa magkakapatid at according ito sa kanilang madir na si Lani Mercado.

Bruskong-brusko ang physical appearance ni Bryan pero siya ang pinakamadasalin sa mga anak nina Bong at Lani.

Si Joey Marquez ang gumaganap na tatay-tatayan ni Bryan Revilla sa Tres.

Tuwang-tuwa si Bryan nang makatrabaho nito si Joey dahil bagets pa lang, bilib na bilib na siya sa pagiging komedyante ng co-star niya.

Nadagdagan ang paghanga ni Bryan kay Joey nang mapanood niya ang huli sa critically-acclaimed action movie na On the Job noong 2013.

Napatunayan ni Bryan na bukod sa comedy, may ibubuga rin sa drama si Joey kaya ito ang napili para gumanap na tatay-tatayan niya sa Tres.

Si Carla Humphries ang leading lady sa Virgo. Magaling na aktres si Carla ang sagot ni Bryan sa mga nagtaka dahil sa dami ng mga artista na mas sikat kesa kay Carla, ito ang kinuha niya.

Sa totoo lang, marami ang mahuhusay na aktor at aktres na naghihintay lamang ng break pero madalas na naiitsa-pwera dahil ang mga artista na mas sikat ang gine-getlak ng mga movie producer.

Ito ang kaibahan ng mga produ ng Imus Productions dahil mas pinahahalagahan nila ang acting ability, hindi ang popularidad ng mga artista.

Sangkatutak nga ang mga aktor na sikat at maingay ang name pero bano naman sa pag-arte kaya imbes na maging asset, mga liability sila ng mga producer ng pelikula.

I’m sure, hindi lang ako ang nakapansin na umaarangkada nang husto ngayong 2018 ang mga indie star na sunod-sunod ang mga project, na-invade na rin nila ang mainstream movies dahil very reasonable ang kanilang mga talent fee at talagang pang-award ang mga performance.

Hindi pa sila cause of delay ng shootings dahil hindi uso sa kanila ang mga diva attitude at hindi naglalagare sa mga teleserye.

Aktor natsugi dahil sa ‘cheap’ na isyu

Katsipan ang isyu na nagpatsugi sa isang aktor ang another actor na matagal nang questionable ang gender.

Ang duda ng fans, pinalutang ang cheap issue para pag-usapan ang coming soon movie na tinatampukan ng dalawang aktor.

Nanggaling sa disenteng pamilya ang aktor na pinagdududahan ang gender kaya nakakatiyak ako na hindi niya gugustuhin na masangkot sa isang tsismis na nakakababa ng uri ng pagkatao. Kilala ko pa naman ang tita ng aktor na disenteng-disente rin at naloloka kapag nadadawit sa mga katsipan na intriga ang pamangkin niya.

 

CARLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with