^

Pang Movies

Toni hindi nagpabayad sa pelikula ni Alex

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Toni hindi nagpabayad sa pelikula ni Alex
Alex Gonzaga

Isa na marahil ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa maituturing pinakanagmamahalang sisters sa showbiz. Hindi lihim ang pagkakaron nila ng disgusto sa isa’t isa na isang normal na pangyayari kahit sa magpa-pamilya. Complementary din ang mga ugali nila. Kung si Alex ang parang spoiled sa magkapatid, si Toni naman ang nagsisilbing pambalanse sa mga kaprangkahan at kawalan ng brake sa maraming rebelasyon ni Alex, lalo na pagdating sa pamilya nila. Pero alam ng lahat na masunurin sa kanyang ate si Alex hindi lamang bilang sister kundi bilang colleague din. When Alex was offered a chance na magbida sa Nakalimutan  Ko Nang Kalimutan Ka, hiniling nito kay Toni na mag-guest sa movie at pumayag naman ito. Hindi rin ito nagpabayad sa kanyang serbisyo.

Beverly Vergel mas piniling magdirek sa US

Nasaan na nga ba si Beverly Vergel, ang matalentong kapatid ni Ace Vergel at anak nina Alicia Vergel at Cesar Ramirez, mga sikat  na artista nung kapanahunan nila. Naging artista din si Beverly at may ilang panahong nagbigay ng acting workshop sa ABS-CBN. May isa ring anak na babae si Beverly who tried acting for a while bago ito nag-decide na pumuntang US.

Nagdidirek na rin si Beverly ngayon pero sa US. Bakit sa abroad pa? Bakit hindi niya ito gawin dito where a lot of new and young filmmakers are making their mark?

Freddie nainip, nilayasan ang award

Parang sa lahat ng Star Awards na itinaguyod namin sa PMPC, pinaka-okay sa akin yung pagkakapili just the o­ther night sa Star Awards for Music na nagdiriwang ng kanyang a Decade of  OPM Excellence kina Karylle  at Christian Bautista bilang Stars of the Night.

Pinasalamatan ni Karylle ang kanyang glam team at si Christian ang gumawa ng kanyag suit. Revelation si Aljur Abrenica bilang host. Hindi siya napag-iwanan nina Christian, Kim Chiu at Karylle. Congrats to Gary Valenciano, Basil Valdez at Imelda Papin who are 2017 and 2018 achievers. ‘Di natagalan ni Freddie Aguilar ang matagal na hintayan, umalis na ito ng Resorts World bago pa niya matanggap ang kanyang award.

Club mwah nagahahanap ng dancers

Gusto n’yo ng maganda at high paying job, kayong mga lalaki at transgender? Go kayo sa Club Mwah at nangangagailangan dito ng mga may talento sa pagsasayaw. Kailangan lamang ay may taas na 5’4”, good moral with professional attitude at pleasing personality.

Hanapin  n’yo si Cris Nicolas, GLOBE 0995 001 9988 SMART 0999 561 2219.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with