Daniel
May pumalag kaya? Daniel mas malalim na ang akting kesa kay John Lloyd!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 9, 2018 - 12:00am

Nagkukuwento ang isa naming kaibigan na galing sa isang mall at maghapon daw siyang nanood ng sine. Particularly, nabanggit niya sa amin si Daniel Padilla na obviously napanood niya ang hit film dahil sabi nga niya maghapon siya sa mall at nanood ng sine.

“Ang galing-galing na pala talagang umarte ni Daniel nga­yon. Hindi ko kasi masyadong napapanood iyong iba niyang pelikula, pero ngayon napakahusay niyang actor. Unfair iyong ikinukumpara lang siya kay John Lloyd. Para na siyang Aga Muhlach,” sabi niya sa amin.

Tapos may idinugtong pa, “do you think it will spell a difference kung siya ang ginawang Gregorio del Pilar, kasi parang mas may depth pa ang acting niya, tapos si Kathryn Bernardo ang ginawang Remedios Jose, na siyang lumabas na bida sa pelikula dahil siya ang naiwang buhay habang tinutugtog iyong Bato sa Buhangin.”

Natawa na lang kami. Hindi namin siya sinagot. Pero totoo, perhaps it would spell a big difference kung si Daniel nga ang bida sa ganoong klase ng pelikula. Hindi namin sinasabing mas magaling talaga si Daniel kaysa kay Paulo Avelino, pero definitely ang repu­tation ni Daniel ngayon as an actor, at ang katotohanang napakalakas talaga ng batak niya sa fans, magagawa niyang hit ang mga ganyang klase ng pelikula.

Ang punto namin, may star system na umiiral sa industriya at walang may kayang gumiba niyan. Ang publiko na siyang nanonood ng mga pelikula ang siya ring nagpapalakas ng star system. Diyan pumapalpak ang mga indie. Umaasa sila sa word of mouth, pero papaano nga kung hindi? Papaano kung ang kasabayan nila ay pelikula ng malalaking artista? Naturally lalamunin sila at walang magagawa kundi maghimutok dahil sa paniwala nilang mas maganda ang pelikula nila pero ayaw panoorin.

Mabuti naman may tumutulong. Mayroong isang fried chicken company na nagpa-block screening at namimigay ng tickets nang libre sa mga bibili ng manok sa kanilang outlet. Ngayon nag-aadvertise na rin sila sa mga lehitimong dyaryo.

Pero sa totoo lang, mas malaki ang magagawa kung malalaki at sikat din ang kanilang mga artista. Tingnan ninyo ang pelikula ni Daniel. Hindi super production iyan. Hindi namuhunan ng 140 million, pero mahigit 400 million na ang kinita at kumikita pa. Kung ganoon sana ang kita nila, nabawi na nila ang 140 million na puhunan nila at may tubo na.

Problema nina Sunshine at Cesar parami nang parami ang nakikisawsaw

Honestly, naniniwala kaming hindi na maganda ang tinutungo ng awayan nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na may kinalaman sa sustento sa kanilang mga anak. Hindi bale kung sustento lang ang pinag-uusapan eh. May iba nang nakikisawsaw, may iba pang mga kasiraang sinasabi ngayon.

Mukhang hindi na tama ang nangyayari kasi kahit na ano ang sabihin ninyo, tiyak na apektado na naman ang kanilang mga anak dahil sa mga tungayawang iyan. Ang masama, mas matindi pa ang sinasabi ng ibang tao na nakikisawsaw lang naman sa issue.

Siguro masasabi nating mas alam nina Sunshine at Cesar ang kanilang sitwasyon. Magtungayawan man silang dalawa, sila na lang. Huwag nang makisawsaw iyong wala namang kinalaman lalo na iyong ni hindi naman kasali sa kanilang pamilya.

Minsan kung sino pa iyong sampid iyon pa ang magulo talaga eh. Huwag na ninyong pakialaman ang domestic problems ng mga tao.

DANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with