^

AiAi pinaghandaan ang birthday ni Mama Mary!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 9, 2018 - 12:00am

Higit na mas makabuluhan ang selebrasyong inihandog ni AiAi de las Alas para sa kaarawan ni Mama Mary kahapon sa BF Homes Covered Court sa QC.

Matapos ang misa para kay Mama Mary, pinakain ni Ai ang mga senior, bisita at mga batang halos pumuno ng venue. May ipinamigay rin siyang regalo sa mga bata at nagkaroon ng games na pinamuan ni Boobsie Wonderland.

“Dati kasi nu’ng nasa Ayala Heights pa ako, panay mayayaman ang bisita ko at tayu-tayo lang. Ngayon, iniba ko naman para mas maging meaning at marami naman ang naligayahan,” saad ni Ai Ai sa amin.

Mula sa kinabibilangang grupo na Legion of Mary ang mga matatanda at batang naging bahagi ng selebrasyon.

“After ng MOA kasi pinakamalaking selebrasyon ni Mama Mary ‘yon, sabi ko, kailangang from there on, makabuluhan na ang susunod niyang birthday celebrations.

“Eh, ‘yung last year, na-busy ako, kami-kami lang din kaya medyo maliiit. Ngayon, heto ganito siya ulit,” rason niya.

Ano ang nararamdaman niya ngayong gumastos siya nang malaki-laki ngayon?

“Para kay Mama Mary naman ‘yon! Saka napapasalamat din ako sa Bulalo World at sa Pitalicious kasi nagbigay sila. Saka sa magtataho na inihatid ako sa bahay namin! Ha! Ha! Ha!” sey ng Comedy Queen.

Bago kasi ang misa at after ng set up sa court, kailangang magbihis ni AiAi. Ayon sa post niya sa Instagram bago ang event, wala ‘yung sasakyan niya dahil inutusan niya ang driver para bumili ng tubig at juice.

Eh nang makita niya ang mama na nagtitinda ng taho na may gamit na motor, hinilingan niyang ihatid siya sa bahay para makapagbihis at ‘yung tindero, hayun at naging magtataho of the event na siya, huh!

Matapos ang handog kay Mama Mary, tuloy pa rin si Ai Ai sa singing search na The Clash at sa Septemer 17, magso-shooting na rin siya ng Viva movie niyang Sons of Nanay Sabel with her artist Ex Battalion at bago ang shoot, bubuksan ang bago niyang food resto na Ai-Fusion.

Isa rin siya sa special guests sa September 21 concert ni Alden Richards sa Kia Theater.

AIAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with