Di pa limot si Georgina? Borgy Manotoc wala sa planong pakasal!
Borgy

Di pa limot si Georgina? Borgy Manotoc wala sa planong pakasal!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 8, 2018 - 12:00am

Single pa rin si Borgy Manotoc, ang panganay na anak ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

May nagtanong kay Imee tungkol kay Borgy sa meet-the-entertainment press event na dinaluhan niya kahapon dahil bihira nang makita sa mga sos­yalan ang kanyang anak.

Ang sabi ni Imee, may girlfriend si Borgy pero wala pa sa plano nito na magpakasal.

Nagmana raw si Borgy sa lolo nito, si ex-President Ferdinand Marcos na may edad na nang pakasalan si former First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Nabanggit ni Imee na matinding magmahal si Borgy na ex-boyfriend ng television host at model na si Georgina Wilson.

Ang akala ng friends nina Borgy at Georgina, sila ang magkakatuluyan pero humantong din sa hiwalayan ang relasyon nila.

Valerie nanibago sa sarili

Nagpapasalamat si Valerie Concepcion kay Laurice Guillen dahil tinutukan nito ang acting niya sa Ika-5 Utos.

Si Laurice ang direktor ng bagong afternoon drama series ng GMA 7 at isa si Valerie sa mga bida.

Nang mapanood ni Valerie ang trailer ng programa, nanibago siya sa akting niya. Tuwang-tuwa si Valerie dahil sa tulong ni Laurice, nagawa niya na i-reinvent ang kanyang pag-arte.

Si Valerie ang gumaganap na asawa ni Tonton Gutierrez sa Ika-5 Utos. Mga anak nila sina Migo Adecer at Klea Pineda. Bata pa si Valerie para mag-portray na nanay nina Migo at Klea sa telebisyon pero hindi niya pinalampas ang chance na makatrabaho si Laurice.

Thia kahawig si Anne Hathaway

Kapuso star na rin ang beauty queen na si Thia Thomalla, ang reigning Miss Eco International.

Batchmate ni Reina Hispa­noamericana Winwyn Mar­quez sa Miss World Philippines 2017 si Thia na Cynthia ang tunay na pangalan at kalokalike ng Hollywood actress na si Anne Hathaway.

Mula sa Leyte si Thia at siya ang unang Pilipina na nag-uwi ng Miss Eco International crown.

Masaya si Thia dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya nang pumirma siya ng exclusive contract sa GMA 7.

Ayon kay Thia, dream come true na mapabilang siya sa mga artista ng GMA at excited na siya na umapir sa TV.

Nasa dugo ni Thia ang pag-aartista dahil mga sikat na aktor at aktres sa Germany ang mga kamag-anak niya.

Kung si Thia ang masusunod, mga romantic comedy ang mga television project na type niya na gawin. May kontrata rin si Thia sa Regal Entertainment Inc. na bahagi ng premyo niya bilang Miss Eco Philippines winner.

GEORGINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with