Joross at Roxanne susubukang itaguyod ang pamilya
(Pang-masa) - September 1, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling magtatambal sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo sa Maalala Mo Kaya ngayong Sabado sa nakakahangang kwento ng isang ama.

 

Bilang ulirang ama, pinagsisikapan ni Hercules (Joross) na mapunan ang mga pa­ngangailangan ng kanyang pamilya. Bagama’t mahirap ay kumakayod siya para sa pang araw-araw na gastusin at sa pantustos sa pag-aaral ng kanyang mga anak at sa mga pangangailangan ng asawang si Jucel (Roxanne).

Subalit, darating ang malaking pagsubok sa pamilya nina Hercules at Jucel sa malubhang pagkakasakit ng kanilang anak.

Paano kaya nila mapagtatagumpayang mag-asawa ang matinding pagsubok na ito?

Kasama rin sa episode na ito sina Jamila Obispo, Sofia Reola, Raine Salamante, Krystal Mejes, JJ Quilantang, at Rafael Robes. Mula ito sa direksyon ni Mervyn Brondial at panunulat nina Arah Jell G. Badayos at Akeem Jordan del Rosario.

JOROSS GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with