Candy nadiskubre sa workshop ang mga artistang rake t ang tingin sa showbiz

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 1, 2018 - 12:00am

Noong 2015 pa ang huling nilabasan na teleserye ni Candy Pangilinan sa GMA-7. Ito ay ang Marimar kung saan bida si Megan Young.

 

Ngayon ay balik sa GMA-7 ang komedyante para mapasama sa cast ng My Special Tatay.

“Kung saan naman may offer at maganda naman ang role, siyempre hindi ako tatanggi. Kelan ba ako tumanggi sa isang TV project, ‘di ba? Thankful ako kay Lord na hanggang ngayon ay kinukuha pa rin tayo at minsan sunud-sunod ang blessings na dumarating,” ngiti pa ni Candy.

Under Viva Artist Agency na pala si Candy kaya naman nakakagawa siya ng mga shows sa dalawang TV network at maging sa cable channels.

“Gusto ko lang na maging productive parati. Kung hindi naman ako busy sa taping or shooting, nagpa-facilitate ako ng acting workshops.

“Importante sa akin na may nase-share ako na mga techniques sa mga baguhang artista ngayon.

“Sa totoo lang, maraming puwedeng maging artista, pero iilan lang ang mahuhusay at marunong gumanap sa mga characters nila.

“I’ve worked with so many young stars at nakikita ko kung sino ang magaling at sino ‘yung hindi seryoso at raket lang para sa kanila ang pag-arte sa TV at pelikula,” diin ni Candy.

Pinuri nga ni Candy ang bida ng My Special Tatay na si Ken Chan. Parati raw kasi silang magkasama sa mga eksena at nakikita niya na inaral ng husto ni Ken ang pagganap nito bilang isang taong may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.

“Makikita mo naman sa mga mata ni Ken na he’s really focused. Kapag ka-eksena ko siya, may eye to eye contact kami at hindi siya nawawala sa character niya,” sey ni Candy.

Nakaka-relate si Candy sa kuwento ng My Special Tatay dahil ang kanyang 14-year old son na si Quentin ay special din. Na-diagnose ito with Autism and ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) noong sanggol pa lang ito.

Naglabas pa si Candy ng isang book titled Mother Dear: Our Special Love na tungkol sa kakaibang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na may special needs.

Jason inuudyukang sumali uli si Vickie sa beauty pageant

Anim na taon na pala ang relasyon ng Kapuso actor na si Jason Abalos sa kanyang beauty queen girlfriend na si Vickie Rushton, pero wala pa raw silang balak magpakasal.

Kahit na napag-uusapan na raw nila ang tungkol sa pagpapakasal, pero hindi pa raw panahon para gawin nila iyon.

Gusto ni Jason na maging malaya pa si Vickie na gawin nito ang mga gusto niya.

“Ako kasi, hinahayaan ko lang siyang lumarga.

“Para bang makuha niya ‘yung confidence na kailangan niya kasi medyo mahiyain.’Yung mga gusto pa niyang magawa, mga gusto pa niyang gawin, sinusuportahan ko siya,” ngiti pa ni Jason.

Ang maganda raw sa relasyon nilang dalawa ay nagsusuportahan sila. Sa katunayan ay gusto ni Jason na sumali ulit sa beauty pageant si Vickie. Si Vickie naman ay gustong makatrabaho ni Jason ang iba’t ibang artistang babae.

“Si Vickie, siya ‘yung mas nae-excite para sa magiging trabaho ko, kung papano ko gagawin. Kasi nakita niya ‘yung papano ako umarte, hindi ‘yung kung papano ko gawin sa mga babae. Ito ‘yung kritiko ko sa pag-arte, tsaka hindi siya selosa. Kahit sino raw i-partner sa akin, okey lang sa kanya,” pagtapos pa ni Jason Abalos.

 

 

CANDY PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with