Kim Chiu
Kim ‘di pa nahahanapan ng kapalit sa inayawang pelikula
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - August 31, 2018 - 12:00am

Kinailangan ni Kim Chiu na mag-beg off sa entry sana niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na The Girl In The Orange Dress dahil totoong magiging abala siya sa ibang projects.

Ngayon ay nag-umpisa na siyang mag-shoot kasama si Dennis Trillo para sa movie nilang One Great Love under Regal Entertainment Inc. at mula sa produksyon ng Quantum Films and MJM Productions.

Si Eric Quizon ang namamahala sa nasabing pelikula at si Direk Jay Abello naman ang direktor. Makakasama sana ni Kim sa The Girl… sina Jericho Rosales, Sam Milby,  Tom Rodriguez, Kit Thompson at Jessy Mendiola.

Sa ngayon ay hindi pa nila ina-announce kung sino ang papalit sa role ni Kim.

Kasama rin si Kim nina Robi Domingo at Alex Gonzaga bilang kanilang co-host sa bagong show ng ABS-CBN na Star Hunt.

Paminsan-minsan din ay nagho-host siya sa It’s Showtime katulad ni Bela Padilla.

Luis at Jessy pressured magpakasal

Samantala, sa pagitan ng magkasintahang Jessy at Luis Manzano, si Luis ang mas gusto nang magpakasal na sila, for a reason.

Thirty eight na kasi si Luis samantalang kaka-25 pa lang ni Jessy.

Idagdag pa na open na si Ate Vi (Vilma Santos Recto) na maging lola na.

Eh ang daddy naman kaya ni Luis na si Edu Manzano? Ready na rin kayang maging lolo.

MPO concert sasalihan ni Lani

Bukas na ang pinakahihintay na pagtatanghal ng Manila Philharmonic Orchestra (MPO), mula sa direksyon ni Maestro Ronald Colmenar.

Gaganapin ang nasabing concert sa Tanghalang Nicanor Abbelardo sa CCP (Cultural Center of the Philippines) bilang selebrasyon sa kanilang ika-20th anniversary.

Special guests sina Lani Misalucha, Raul Sunico at UST Singers.

Sa unang parte ng segment ng concert, maririnig ang mga masterpiece nina Beethoven at Gershwin.

Ang medley din ni late George Canseco’s composition ay kasama sa maipi-feature, ito naman ay mula sa direksyon ni Freddie Santos.

Paulo walang pake sa pagbubuntis ni LJ?!

Hindi pa rin nagko-comment hanggang ngayon si Paulo Avelino tungkol sa pagbubuntis ng ex niyang si LJ Reyes na si Paolo Contis ang ama.

Marahil ay busy siya sa pagpo-promote ng bago niyang pelikula na Goyo: Ang Batang Heneral o sadyang hindi lang talaga siya naba-bother sa balitang iyon na magkakaroon na ng kapatid ang kanyang anak na si Aki.

Si Paolo naman ay may nauna nang dalawang anak na babae sa ex din nitong si Lian Paz na nga­yon ay masaya na rin sa piling ng bagong karelas­yon.

Samantala, kakatapos lang ni Paulo sa serye niyang Asintado kung saan leading man siya nina Shaina Magdayao at Julia Montes.

Pagkatapos ng kanyang pelikula ay magiging aba­la na ulit siya sa bagong serye nila ni Angel Locsin na The General’s Daughter kung saan makakasama din nila sina Maricel Soriano, Ryza Cenon, Arjo Atayde at marami pang iba.

Former President Ramon Magsaysay, 101 years old na sana

Hulaan mo Salve A., kung sino ang nagse-celebrate ng birthday niya today?

Si former President Ramon Magsaysay na ikinokonsiderang Presidente ng Masa.

Dati siyang former mekaniko.

One hundred one years old na sana siya ngayon dahil ipinanganak siya noong 1907.

Namatay siya noong March 1957 sa isang plane crash.

Si Magsaysay ay laking Iba, Zambales.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with