^

Pang Movies

Lito nawawala na sa istorya ni Coco

Vir Gonzales - Pang-masa
Lito nawawala na sa istorya ni Coco
Lito Lapid

MANILA, Philippines — Napapansin ng mga manonood na tila yata nawawala na sa highlight ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano si Lito Lapid.

Naka-focus na lang ang kuwento kina Coco Martin, Edu Manzano, John Arcilla at Jhong Hilario.

Ang madalas na eksena na lang ni Lito ay ang pagtingin-tingin na lang kay Angel Aquino, minsan naman patakbu-takbo lang.

Hindi kasi sanay ang mga manonood na walang ginagawa si Lito. Well, hintayin na lang natin sa ending, baka may pasabog siyang gagawin.

Samantala, birthday niya noong nakaraang August 21 pero hindi naman siya gaanong naghanda at nag-party dahil may taping siya ng Ang Probinsyano.

John gustong tumatak sa dalawang character

Mabuti na lang at naisipang lumipat ng network ni John Estrada, dahil dito ay nabigyan na naman siya ng isang kakaibang exposure sa GMA-7 sa pamamagitan ng Victor Magtanggol.

Matagal nang gumaganap na kontrabida si John pero ang role niya sa VM ang namumukod tanging kakaiba, dahil dalawa ang kanyang katauhan at isa pa itong fantaserye. Ang isa ay bilang si Loki at ang isa naman ay si Dr. Mikolai sa mundo ng mga tao.

Very challenging daw ang role niya rito kaya mas pinagbubutihan niya dahil gusto niyang tumatak sa mga manonood ang kanyang natatanging pagganap.

Huli siyang napanood sa seryeng The Good Son ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Jerome Ponce.

Dingdong tuloy ang taping kahit may bagyo

Kahit na grabe ang mga nararanasan ni Dingdong Dantes sa pagpunta-punta niya sa location sites ng kanyang taping para sa Amazing Earth, ay hindi niya ito iniinda.

May mga pagkakataon pa raw na inaabutan sila ng bagyo at halos tangayin na ang kanilang tent pero hindi pa rin natitinag si Dingdong dito, dahil mas gusto niyang makapagbigay ng malaking kontribusyon sa mga manonood. Gusto niyang ma-educate ang mga tao lalung-lalo na ang mga mag-aaral sa nangyayari sa buong mundo.  

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with