^

Pang Movies

Miss Granny tiyak na mae-extend

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Pagdating na pagdating ko kahapon galing sa Tokyo, Japan, nakatanggap ako ng tawag sa veteran actress na si Daisy Romualdez.

Nasa Greenhills, San Juan daw siya. Niyayaya ako ni Tita Daisy na manood ng pelikula.

Kasama raw kasi niya ang kanyang mga kaibigan at manonood sila ng Miss Granny ni Sarah Geronimo.

Isa si Tita Daisy sa napakaraming gustong manood ng Miss Granny dahil napakaganda ng feedback sa pelikulang ito ni Sarah with James Reid.

Actually, hindi man ako nakasama sa grupo ni Tita Daisy na nanood ng Miss Granny kahapon, humabol naman ako sa last full show kahapon para hindi ako mahuli sa magagandang kuwentuhan tungkol sa napakagandang pelikula ng Viva Films.

Ngayon nga pala ang pang-7thday ng Miss Granny sa mga sinehan at marami ang humuhulang aabot sila sa 100 million na kita hanggang ngayong araw na ito.

Obvious din na mae-extend ang Miss Granny dahil palakas ito nang palakas.

Sarah humihirit ng serye sa dos

Si Sarah Lahbati kasama sina Ruffa at Raymond Gutierrez sa isang event ng perfume mula sa Europe.

Marami ang gandang-ganda kay Sarah at nagsasabing puwede na uli siyang magbalik sa pag-aartista lalo na at six months na rin next month ang second baby nila ni Richard Gutierrez, si Baby Kai.

Sexy na uli si Sarah at komento nga ng marami, parang bumalik na uli ang kaseksihan niya bago niya ipinagbuntis ang kanyang bunso.

Sabi ni Sarah, makikipag-usap pa siya sa Viva Artists Agency na siyang namamahala ng kanyang showbiz career.

Sabi naman ng mga fan ni Sarah, sana raw ay ma­bigyan na siya ng teleserye ng ABS-CBN.

Ogie sa golf course nag-birthday

Ang 51st birthday ni Ogie Alcasid kahapon.

Nag-break muna sa pagi­ging judge sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime kahapon ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

“Nag-golf ako,” sabi ni Ogie.

Mahilig mag-golf si Ogie at ‘yon ang parang birthday break niya kahapon.

Sabi nga pala ng Asia’s Songbird, si Ogie ang palaging nagpapasaya sa kanyang mundo.

Kahit ang tagal na ng kanilang relasyon, si Ogie raw ang palaging nakakapagpatawa sa kanya.

Kahit ‘yung mga kuwelang pagsasayaw ni Ogie, sobrang ikinatutuwa ni Regine.

Karla walang tigil sa kakaluto

Dahil holiday kahapon, nasa bahay lang si Karla Estrada at ang kanyang mga anak, pati na rin ang ibang mga miyembro ng kanyang pamilya na nakatira sa kanya.

Kapag ganoon nga raw na kumpleto sila sa bahay, luto lang daw nang luto ang isa sa mga host ng Magandang Buhay.

Magaling magluto ang nanay ni Daniel Padilla, kaya naman enjoy ang kanyang pamilya kapag kinakain na ang kanyang mga iniluluto.

Actually, pati mga kaibigan sa showbiz ni Karla ay nagsasabing napakasarap niyang magluto.

May ibang mga kaibigang artista nga si Karla na madalas na naglalambing na ipagluto naman niya ang mga ito!

DAISY ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with