Liz
Anne at Liz may away?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 26, 2018 - 12:00am

Alam mo ba, Salve (my dear editor), ‘kaloka lang ‘yung isang nagtanong sa akin kung may gap daw ba sina Anne Curtis at Liz Uy.

 

Nakita kasi ng taong ‘yon ang pictures ng mga nag-attend sa Sunnies Face launch event ng group ni Georgina Wilson kung saan ay nag-attend din si Liz at obvious na absent naman si Anne.

May tsika raw kasi na may gap ang dalawa.

Pero sabi naman ng commond friend nina Anne at Liz, walang something ang dalawa dahil ang huli pa pala ang isa sa dalawang stylists ng una sa pictorial para sa poster ng AnneKulit concert at ‘yung mismong concert ha ay kalahati rin ng event ay si Liz ang nag-styling, huh!

So, tigilan na ang tsikang may gap ang dalawa dahil noong mismong Sunnies Face event naman ay alam na ng grupo ni Anne na hindi siya makakapunta dahil busy rin naman siya, ‘noh?!

Sabi pa nga ng common friend nila, ayaw nila ng mga negang issue, kaya lubay-lubayan daw sila ng mga mapag-imbentong may gap sina Anne at Liz, huh! very clear na, ‘no?!

Kahit 51 na

BB itinodo ang pagpapa-seksi

Seksing-sexy si BB Gandanghari sa latest Instagram post niya kung saan ay kita ang kanyang tiyan.

Aba, flat na flat ang tiyan niya, huh!

Parang hindi nga 51 years old si BB (dating Rustom Padilla).

Kaka-insecure nga ang katawan ni BB (although hindi na rin naman ganoon kabata ang face niya).

Anyway, hindi lang ako sure kung nag-u-Uber driver pa si BB sa Los Angeles, California dahil wala naman akong naririnig na tungkol sa trabaho niyang ‘yon.

Noon lang, ang sabi ay part time job ni BB sa Amerika ang pag-u-Uber driver bukod sa pagmo-model at pag-aartista.

Anyway, kuwento nga pala sa akin ni Nora Morita na nakilala ko sa Japan, may kaibigan daw siyang nakasabay noon sa Uber sa L.A. at si BB nga raw ang driver.

In fairness, mabait daw si BB, kaya natuwa sa kanya ang pasahero niya.

Teka! Ano na kaya ang nangyari sa sinasabing TV series daw ni BB sa Amerika?

When kaya ipapalabas ‘yon?

Well...                                                  

Michelle at Sarah umuwi agad sa Australia

Naku, umalis pala kaagad ng Pilipinas pabalik ng Sydney, Australia ang mag-inang Michelle van Eimeren-Murrow at Sarah Alcasid kahapon (Saturday).

Tinapos lang talaga nila ang OA concert ni Ogie Alcasid sa Smart Araneta Coliseum noong Friday.

Kuwento ni Ogie, may school daw kasi si Sarah at nag-guest lang talaga ito sa kanyang 30th anniversary concert.

Sabi pa ni Ogie, next week naman, sila naman ang aalis ni Leila pa-Sydney.

“Pero four days lang kami. Aalis kami ng September 6,” sabi niya.

Hindi naman makakasama sa kanila ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid dahil may taping ito ng The Clash, ang singing competition show ng GMA 7.

ANNE CURTIS LIZ UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with