^

Aktres mali-mali ang pronunciation sa English!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 25, 2018 - 12:00am

Naloka ang mga reporter nang marinig nila ang pagsasalita ng aktres sa showbiz event dahil mali ang pronunciation niya sa isang English word.

 

Nawindang ang mga reporter dahil matalino ang impression nila sa aktres na mabait pa naman at mahusay makisama.

Ang iwasan na ang pagsasalita ng Ingles kapag hindi siya sure sa correct pronunciation ang unsoli­cited advice ng press sa aktres. Hindi ko na babanggitin ang English word na hindi sinasadya na “na-murder” ng aktres para hindi matukoy ang identity nito at hindi na madamay ang pamilya niya.

Nova naiyak sa kabaitan ni Sarah

Nabalitaan ko na umiyak na naman kahapon sa victory party ng Miss Granny ang grade school classmate ko na si Nova Villa.

Unang umiyak si Nova sa premiere night ng Miss Granny dahil gandang-ganda at touched na touched siya sa mga eksena ng pelikula.

Cry uli ang beauty ni Nova sa victory party ng Miss Granny sa Botejyu Robinson’s Galleria dahil sa kindness na ipinakita ni Sarah Geronimo habang ginagawa nila ang pelikula at sa magagandang salita na sinabi ng singer-actress tungkol sa kanya nang matapos ang screening ng red carpet premiere.

Giliw na giliw at love na love ni Nova si Sarah dahil napakabait nito, kahit superstar ito sa local entertainment industry.

Nakaka-relate ako kay Nova dahil witness ako sa kagandahang-asal at down-to-earth attitude ni Sarah na never na naapektuhan ng kasikatan niya.

Good karma si Sarah kaya naman successful ang mga concert at pelikula niya dahil hindi siya katulad ng ibang artista na plastikada, inggitera at super insecure sa success ng kapwa.

James pagpapalaki na ng katawan ang aatupagin

Ang shooting ng movie remake ng Pedro Penduko ang aasika­suhin ni James Reid dahil tapos na ang mga promo guesting niya para sa Miss Granny.

Happy si James dahil tinangkilik ng publiko ang pelikula nila ni Sarah. Aminado ang bagong Pedro Penduko na umiyak siya sa last part ng Miss Granny dahil feel na feel niya ang mga dialogue nina Nonie Buencamino at Sarah.

Dahil challenging ang kanyang role sa Pedro Penduko, magsisimula na si James ng martial arts training at magpapalaki na siya ng katawan para sa role na gagam­panan niya.

Dumalo sa block screening ng Crazy Rich Asians, talamak sa camcording!

Kalurky naman ang emote ng photographer na si Raymund Isaac tungkol sa block screening ng Crazy Rich Asians na dinaluhan niya.

Nawindang si Raymund dahil aligaga ang mga kasabay niya sa panonood ng  paggamit ng cellphone habang ongoing ang screening ng pelikula at ang the height, kinukunan ng iba ang mga eksena na malinaw na violation ng Anti-Camcording Law.

Mga mayayaman ang mga dumalo sa block screening ng Crazy Rich Asians at base sa emote ni Raymund, hindi pang-richie rich ang behavior na ipinakita nila.

Daig pa ng mga middle at working class Pinoys ang mga sosyal na nag-camcording ng Crazy Rich Asians dahil sumusunod sila sa batas.

O baka naman naging pasaway ang mga tao na tinutukoy ni Raymund dahil pinanindigan nila ang pagiging Crazy Rich Asians?

Nangyari ang insidente noong August 22 sa isang sosyal na sinehan sa Makati City. Ano kaya ang explanation ng management ng sinehan sa kanilang pagpapabaya dahil dinedma nila ang camcording na ginawa ng crazy rich moviegoers?

NOVA VILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with