Vilma Santos-Recto
‘Ate Vi’ matagal nang nagkakalat ng fake news
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 24, 2018 - 12:00am

Walang Twitter account si Congresswoman Vilma Santos-Recto! Tanging Facebook lang ang social media account niya pero limitado ang post niya sa kanyang activities sa Lipa, Batangas at bihira ‘yung tungkol sa personal niyang activities.

Nadiskubre ni Luis Manzano ang paggamit ng isang poser sa pangalan ng ina sa Twitter. Sa huling tweet ng poser na inilabas ni Lucky sa kanyang Twitter account, bu­ong ningning nitong kinumpirma na engaged na si Luis sa girlfriend na si Jessy Mendiola at ang nakakaloka, proud pa ang poser sa pagsasabing magi­ging lola na siya, huh!

Narito ang tweet ng poser ni Congresswo­man Vilma:

“I am happy to announce that my son @luckymanzano and @JessyMendiola is now engaged...I’d be a lola soon...” tweet ng fake account.

Matapos sabihin ni Luis ang tweet ng pekeng account, heto ang text sa amin ni Ate Vi:

“My gosh...do you think ako ang klase ng tao na magsasalita ng ganun??? NO IT’S NOT ME AND I DON’T HAVE A TWITTER ACCOUNT!!!

“Matagal na niyang ginagawa yun!!! Noon pa! FAKE NEWS!!! Ikaw na bahala Jun and some friends sa press!!! Will see you soon pag resume ng office!!!” reaksyon ni Cong, Vi.

“Kilala naman ako ng mga tao na hindi ko magagawa yun..That’s not true!!!!” diin ni Ate Vi.

Naku, ‘yan ang malaking pagkakamali ng poser dahil pagdating sa personal life ni Luis eh, tikom ang bibig ni Ate Vi. Lalo ngayong kasal na ang tsismis na kumakalat, kahit may alam siya, walang lalabas sa bibig niya bilang respeto sa anak.

Eh nang basahin namin ang past tweets ng poser, may offensive siyang pinost tungkol sa ibang artista gaya nina Erik Santos at Inigo Pascual, huh!

Kaya panawagan ni Ate Vi sa kasamahan sa industriya, wala siyang Twitter account kaya huwag paniwalaan ang mga tweets na gawa ng kanyang poser, huh!

I-report na ang baliw na ‘yan sa kina­uukulan na puwedeng mademanda para maturuan ng leksyon!

VILMA SANTOS-RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with