^

Pang Movies

The Juans tuloy na sa pagsikat

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
The Juans tuloy na sa pagsikat

Hindi na nga mapigilan ang pagsikat ng boyband-next-door na The Juans, mula sa pagkakasama nila sa pelikulang Sid And Aya nina Anne Curtis at Dingdong Dantes kung saan ang kanta nila ay nakabilang sa mga official soundtracks nito, hanggang sa pagkakaroon nila ngayon ng isang single, titled Lumapit, na may 53,132 views na sa Youtube.

Binubuo ang The Juans ng limang naggagalingang kalalakihan. Nauna na silang nagpamalas ng galing sa 100 Tula Para Kay Stella nina Bela Padilla at JC Santos nang gawan nila ng version ang kanta ng Rivermaya na Balisong.

Maganda ang pagkakagawa ng bawat kanta nila, para kang nakikinig ng kuwento. Nakaka-inspire ang bawat lyrics.

Dahil sa ganda ng single, nagdi-demand agad ang fans na bigyan na ito ng music video dahil lyric video pa lamang ang meron ito.

Goosebumps naman agad ang mararamdaman mo sa mala-Mathew West na kanta nila mula sa isang contemporary Christian na pinatutugtog na rin sa mga Victory church. Tiyak na mag-o-auto play ang mga tagapakinig sa YouTube at spotify dahil sa kanta nilang ito, hindi nakakasawang ulit-ulitin.

THE JUANS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with