Liz Uy
Liz Uy hindi raw nagsabi ng totoo
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 22, 2018 - 12:00am

Nagsalita na rin ang matalik na kaibigan ng ex wife ng kinakasama ni Liz Uy na si Mr. Raymond Racaza at ama ng kanyang anak.

Mahaba ang pahayag sa Facebook ni QC Councilor Dorothy “Doray” Delarmente, na tulad ni Dr. Ging Zamora-Racaza ay isa ring doktor

“I believe that everyone deserves to know the TRUTH,” pauna niya bilang sagot sa interview ng stylist at ng partner nito. Sinabi ni Ms. Uy na hiwalay na si Mr. Racaza nang maging sila na kinontra ng maraming nakakakilala sa doktora.

In a nutshell, binalikan ni Madam Doray ang tibay ng pagkakaibigan nila ni Dra. Ging hanggang dumating nga ang pinakamalungkot sa pangyayari sa buhay nito lalo na nung first annulment hearing noong May 2017 at nung maaprubahan noong January 2018 ang nasabing annulment na malinaw na kinokontra ang naging mga pahayag ni Ms. Liz.

Credibility na ang usapan at huhusgahan ng mga sumusubaybay sa kuwento kung sino ba ang dapat paniwalaan sa mga naglalabasan istorya. “I am not a writer. (I just write in my Facebook page.) I am a doctor and a public official.

“But I am compelled to write this because I believe that everyone deserves to know the TRUTH.

“Everyone deserves to know what a kind and selfless person Dra. Ging is,” ang sabi pa sa FB post ni Ms. Doray.

LIZ UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with