^

Pang Movies

Matteo ‘di sumipot sa premiere ng pelikula ni Sarah

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Matteo �di sumipot sa premiere ng pelikula ni Sarah
Matteo Guidicelli

Parehong inaasahang dadating sina Kim Chiu at Matteo Guidicelli sa premiere night ng Miss Granny na pelikula nina Sarah Geronimo, James Reid at Xian Lim, pero si Kim lamang ang nakarating sa nasabing event at wala si Matteo.

Inaasahang pupunta si Kim dahil alam naman ng lahat kung gaano sila kalapit sa isa’t isa ni Xian. Isa si Xian sa leading man ni Sarah.

Si Matteo naman, alam ng lahat na nob­yo siya ni Sarah, pero bakit hindi siya nakapunta? Ganunpaman, sina Divine at Delfin Geronimo na mga magulang ni Sarah ay sabay dumating.

Si Nadine Lustre naman na girlfriend ni James ay sumuporta rin at present sa premiere.

Ang co-producer ng Miss Granny na si Neil Arce ay nangakong isasama ang girlfriend nitong si Angel Locsin, pero dahil may taping daw si Angel sa The Ge­neral’s Daughter, hindi na ito nakapunta.

Halos magkasabay namang dumating sa venue sina Nova Villa at Boboy Garovillo.

Kasama naman ni Bb. Joyce Bernal ang kanyang 16-year-old daughter, at ang big boss ng Viva Films na si Vic del Rosario ay dumating kasabay ang former beauty queen na si Joane Quintas, together with the son and daughter ni boss Vic na sina Veronique at Vincent Corpus.

Rosemarie excited makaeksena sina Joshua at Julia

Masaya ang magkapatid na Cherie Gil at Michael de Mesa para sa kanilang ina na si Rosemarie Gil dahil sa pagbabalik nito bilang aktres sa kasisimula pa lang na serye nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang Ngayon at Kailanman.

Si Rosemarie ay dating contract star ng Premiere Productions (ngayon ay wala na), kung saan niya nakilala ang kanyang asawa na si Eddie Mesa (real surname: Eigenmann) na isa ring heartthrob noon.

Nakatira na silang dalawa ngayon sa U.S. ng mga ilang taon na rin at head na ngayon si Eddie ng isang Christian community doon.

Si Cherie raw ang nagkumbinsi sa kanyang ina na muling umarte ulit, at ang nagsilbi niyang comeback movie ay ang Delia and Sammy.

Bukod kay Iza Calzado, nagsimula na rin daw mag-taping si Rosemarie sa Ngayon At Kailanman ng ilang mga scenes kasama ang mga lead actors, pero siyempre raw, ang pinaka na-eexcite siya ay yung makaeksena na mismo sina Joshua at Julia.

Halos ka-edad daw kasi ng dalawa ang kanilang mga apo ni Eddie.

Sa kanilang tatlong anak na sina Michael, Cherie at Mark Gil, all in all ay 13 daw ang kanilang apo at ang iba sa mga ito ay sumunod sa yapak nila sa pag-aartista.

Sina Gabby at Ryan Eigenmann na mga anak ni Michael sa kanyang dating asawang si Gina Alajar, sina Sid Lucero at Andi Eigenmann na mga anak naman ni Mark ay mga kilalang artista na ngayon.

Ang Ngayon At Kailanman ay mula sa produksyon ng Star Creatives ng ABS-CBN unit na pinagungunahan ni Malou Santos. Dinirek ito ni Mae Cruz-Alviar at Elfren Vibar.

Kasama rin sa cast sa nasabing serye sina Alice Dixson, Christian Vasquez, Jameson Blake Dominic Ochoa, Ina Raymundo at marami pang iba.

Sen. JV ka-partido na ni Mayor Sara para sa susunod na eleksyon

Hindi raw sigurado si Senator JV Ejercito kung tatakbo nga ba ulit sa susunod na eleksyon with the same position ang kanyang half-brother na si former Senator Jinggoy Estrada. Pero siya raw ay sigurado nang tatakbo para sa re-election.

Tatakbo siya ngayon under the new political party na si Sara Duterte-Carpio ang nag-organized. Ito ang Hugpong Ng Pagbabago (HNP).

Si Sara ay ang tumatayong Mayor ngayon ng Davao City at panganay na anak ni Presidente Digong Duterte.

Meron na raw mahigit na 6,000 na miyembro ang nasabing organisasyon na kasama pa rin naman sa regional political party.

Ang nanay ni Sen. JV na isang former actress at ngayon ay Mayor na ng San Juan City na si Guia Gomez ay nanggaling din sa pamilyang mula sa Davao City.

Personal…

Happy Birthday today (August 22) to our colleague and good friend, Leah Salterio-Gatdula. (Happiest birthday ate Leah. - Salve A.)

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with